Advertisers

Advertisers

NBA: Donovan Mitchell susi sa panalo ng Utah vs Milwaukee

0 519

Advertisers

NASILAT ng Utah Jazz ang Milwaukee Bucks 107-95 sa Fiserv Forum sa Milwaukee kahapon.

Ito na ang ikatlong sunod na talo ng defending champion Bucks.

Nanguna si Donovan Mitchell sa kanyang 28 points upang samantalahin ng Jazz ang hindi paglalaro ni Khris Middleton dahil sa karamdaman, gayundin ang may injuries na sina Jrue Holiday, Brook Lopez at Donte DiVincenzo.



Ang reserve forward na si Rodney Hood ay inabot lamang ng 11 minutos dahil din sa injuries.

Samantala liban kay Mitchell, bumida rin sa kanilang ika-limang panalo sina Mike Conley na may 20 points, Jordan Clarkson na nagtala ng 15 at si Bojan Bogdanovic ay nagtapos sa 14.

Sa Bucks naman si Giannis Antetokounmpo ay nagpakita ng 25 points, seven rebounds at six assists para sa kanilang 3-4 record.

Kahapon lamang ay talo ang Bucks sa Spurs, habang ang Jazz naman ay nasilat ng Bulls para sa kanilang unang talo.

Susunod na makakaharap ng Jazz ang Sacramento sa Martes, dinaig ng Utah ang Kings 110-101 sa Sacramento October 22 para sa kanilang anim na dikit na wagi sa series. Habang ang Bucks dadayo sa Detroit sa Martes.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">