Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MULI na namang naghatid ng karangalan ang isang Pinay beauty queen na nakopo ang korona.
Yes, naiuwi ng Pinay Beauty Queen na si Cinderella ‘Cindy’ Obeñita ang korona ng Miss International kamakailan na ginanap sa Egypt.
Sa Halloween party costume naman ay takaw pansin ang costume ni Cindy na nag-ala Darna.
Na-inpired kasi si Cindy sa tulad niyang kabataan sa ginagawang kabutihan ni Darna sa mga mamamayan.
Gusto ni Cindy na gayahin ng mga kabataan ang kabutihan sa kapwa na ginagawa ni Darna.
May tsika naman ang netizens na bakit di na lang si Cindy ang kinuhang bagong Darna.
Tutal naman daw na-recognized internationally si Darna.
Kung kukuning bagong Darna si Cindy if ever eh paano na si Jane De Leon na gaganap sa nasabing Pinoy Icon Hero?
Suhestyon lang naman ng netizens dahil sa Darna costume na wagi ang Pinay Beauty.
May K naman daw si Cindy na maging bagong Darna if ever.
***
Toni, Alex at Seve, nag costume ng cast ng Munting Prinsesa
DAHIL napapanahon ang Halloween costume party, ‘di naman nagpahuli sa pag-viral ang mag-sis na Gonzaga sa kanilang dress costumes.
Remember the serye noon na Munting Prinsesa na ginampanan ni Camille Prats?
Ilan naman sa mga karakter doon ay ginaya ng mag-sis na Gonzaga at ang dress na ginawa nilang costumes sa Halloween Party.
Kahit si Seve ay dinamay na rin at nag-effort ang mag-sis na bihisan ito.
Kung si Toni ay si Miss Minchin, si Alex naman ang Princess Sarah dahil nakasuot pang costume na rin ang dyunakis ni Toni na siya namang si Cedie.
Marami ang nakyutan na netizens sa pics ng Gonzaga sisters kasama ang anak ni Toni na si Seve.
Well, well, well…’Yun na!