Advertisers

Advertisers

Reporter slay kinondena ng PTFoMS

0 226

Advertisers

KINONDINA ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang pamamaril kay Timra reporter DonDon Dinoy.

Kasabay nito, tiniyak ni PTFoMS Executive Director, Usec. Joel Sy Egco na personal niyang tututukan ang kasong ito.

Nagpahayag rin si Egco ng pakikiramay sa pamilya ni Dinoy.



“Ano man ang dahilan, hindi maaring basta na lang patayin ang isang tao, mamamahayag man siya o hindi,” wika ni Egco.

Kung ito ay work related, sinabi ni Sec. Egco na si Dinoy ay isang story teller o nagapaghatid ng balita at hindi kailanman dapat saktan dahil sa pagpapatupad ng kanyang tungkulin bilang mamamahayag.

Samantala, inatasan na rin ni PNP Director Gen. Guillermo Eleazar ang Davao del Sur PNP na kilalanin, arestuhin at papanagutin ang mga responsible sa pagpatay kay Dondon Dinoy.