Advertisers
ITO ang prediksyon ng ilang basketall analyst sa TNT Tropang Giga. Sa husay daw ng komposisyon, chemistry at coaching staff ay tiyak marami pang tropeo iuuwi sa HQ ng prangkisa sa Makati.
Kumpletos recados ang koponan. Sa sentro man o sa wing o sa point guard. Pero mas mahalaga na well-motivated ang koponan para manalo. Nanabik sila sa anim na taong wala silang kampeonato.
Heto ang dalawang trivia hinggil sa team.
Nang mawala si RayRay Parks sa TNT ay nagkampeon sila kabilang sina Troy Rosario at Glenn Khobontin.
Ganyan din nangyari ng lisanin ng anak ni Bobby Parks ang NU sa UAAP. Makalipas ay nagtagumapay ang Bulldogs na kabilang din sina Rosario at Khobuntin.
Isa pa. Akala ng madla ay dalawa lang ang may apelyido na Williams sa Tropang Giga. Mali po. Tatlo po.
Bukod kina Mikey Williams at Kelly Williams ay nandiyan din si Jason Castro na William din (wala lang s sa dulo) sa kanyang passport, Hehehe.
***
Kung may Jordan Clarkson ang Utah Jazz ay mayroon namang Jalen Green ang Houstpn Rockets. Pareho silang may mga lahing Pinoy. Kapwa mga kababayan natin sila sa kanilang mga mother side.
Sa una nilang paghaharap sa NBA ay nanaig ang Jazz kontra sa Rockets. Umuskor ng 16-6-3 si Jordan samatala si Jalen bagama’t rookie lamang ay gumawa ng 13-3-3 sa naturang game.
Nais nga ni Clarkson na makasama rin ng Gilas Pilipinas sa Asian Games ang kadugo. Kung payagan ay tiyak malakas ang Team Pilipinas niyan.
***
Kung sa mga FIBA-organized tournament ay hanggang sa managers’ meeting ang palitan ng final line up o mga isa o dalawang araw bago ang labanan, sa halalan sa atin ay may mahigit sa isang buwan ang substitution. Para sa eleksyon sa Mayo 2022 ay sa ika-15 pa ang final deadline.
May mga haka-haka na may pagbabago pa sa mga kandidato sa pagkapangulo, bise, sa senador at pati sa lokal. Abangan!