Advertisers

Advertisers

U23 Azkals kulelat sa Asian Cup qualifiers

0 217

Advertisers

UUWI ang Philippine Azkals Under 23 Men’s Team na walang panalo sa 2022 AFC Under- 23 Asian Cup qualifiers

Ito, ay matapos ang nakakadismayang 1-0 start laban sa Timor Leste Linggo ng gabi sa Jalan Besar Stadium sa Singapore.

Ang huling goal ni Zenivio Mota sa 89th minute ang bumasag sa puso ng U23 Azkals. talo lahat ng kanilang tatlong laban sa qualifiers, na ginanap sa centralized venue sa Singapore.



Ang Under 23 Azkals ay sinimulan ang kanilang laban sa 0-3 loss kontra defending champion South Korea, bago nakamit ang 0-2 defeat laban sa Singapore.

Tinalo ng Azkals ang Timor Leste, 6-1, sa Southeast Asian Games noong 2019 pero hindi umubra pagdating sa Asian Cup qualifiers.

Ang U23 Azkals ay hindi naka iskor kahit isang goal sa kumpetisyon.

Samantala, ang Timor Leste ay nagtapos third sa Group H na may four points off a 1-1 -1 record. at Singapore four points, habang ang South Korea ang nangibabaw sa grupo na may nine points sa tatlong panalo, na may + 13 goal differential.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">