Advertisers

Advertisers

Batang Tramo hulis sa P1.7m shabu sa Bulacan

0 252

Advertisers

Bulacan – Arestado ang isang binata na nahulihan ng tinatayang P1,700,000.00 halaga ng shabu sa joint buy-bust operation ng pulisya sa San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang suspek na si Anthony Montefalcon, 45, food delivery driver at residente ng Tramo 1, San Isidro, Sucat, Parañaque.

Sa report, ikinasa ang operasyon ng pinagsamang puwersa ng SJDM police, Bulacan PPDEU-PIU at SDEUPNP DEG, SOU 5:40 ng hapon nitong Lunes, Nobyembre 1, sa Brgy. Gaya-gaya.



Nakumpiska sa suspek ang tinatayang 250 grams ng shabu at may estimated value na P1,700,000.00.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang dayong tulak.