Advertisers

Advertisers

Convicted sa kaso puwedeng tumakbo sa eleksyon

0 257

Advertisers

Maaaring tumakbo sa alinmang posisyon sa gobyerno ang isang convicted o napatawan na ng sentensiya sa isang kaso ng hindi hihigit sa 18 taon.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, batay kasi sa Omnibus Election Code, awtomatikong disqualified na sa pagtakbo ang sinumang kandidato na nahatulan na ng higit isang taon at anim na buwan o sa anumang kasong maituturing na moral turpitude, maliban na lamang kung napagkalooban ito ng pardon o amnesty.

Maliban dito, sinabi ni Jimenez na ang korte suprema lamang ang maaaring magdeklara kung ang isang kaso ay may kinalaman sa moral turpitude



VOTE BUYING AT SELLING, HINDI KASALANAN

Samantala hindi umano kasalanan ang pagbili at pagbebenta ng boto.

Ito ang paniwala ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa gitna ng nalalapit na 2022 National at Local Elections.

Ayon kay Villegas, bagaman iligal ang vote buying at selling, hindi maaaring ituring na kasalanan ang pagtanggap ng pera dahil depende ito sa sitwasyon at pangangailangan.

Inihayag ng dating pangulo ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines na kung hindi pumabor sa kondisyon ng kandidatong bumibili ng boto ang botante na tumatanggap ng pera kapalit ng boto ay hindi ito kasalanan.



Gayunman, ibang usapan na anya kung sikmura ang magdidikta lalo’t walang pinipili ang tiyang kumakalam.

Ipinunto ni Villegas na hindi naman obligado ang mga botante na tumalima sa isang iligal na kasunduan at sa bandang huli ay ang diyos pa rin ang dapat piliit sa halip na ang kandidatong bumibili ng boto

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!