Advertisers

Advertisers

Improving pa din ang bansa

0 208

Advertisers

LAGING nababanggit noon ang bansang Pilipinas tuwing maglalabas ng Global Impunity Index (GII) ang Committee to Protect Journalists (CPJ) sa mga ulat nito.

Ang CPJ na naka-base sa bansang America ang laging tumutuligsa sa mga bansang nanganganib ng matindi ang mga buhay ng mga mamamahayag.

Sa huling ulat ng CPJ noong 2020 gumanda na ang lagay ng Pinas sa kanilang GII ang dating lagay natin na pang-lima ay nalagay na tayo sa pang-pitong bilang ng mga bansa na delikado sa mga mamamahayag.



Kaya kami naman sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), ay medyo nagagalak ng kaunti dahil nagbubunga na ang aming pagbabantay o pagtutok sa mga kaso ng karahasan sa ating mga kabaro sa hanay ng media.

Di man nakaalis ang Pinas sa pang-pitong kalagayan nito sa listahan ng GII, di na rin tayo nabanggit sa huling ulat ng CPJ. Nangangahulugan ito, na napapansin din ng mapagtuligsang grupo na may ginagawa tayo para protektahan ang katayuan ng media sa bansa.

Eto naman talaga ang tunay na hangarin ni Pangulong Rodrigo Duterte limang taon na ang nakaraan ng maupo siya bilang presidente at itinatag agad ang PTFoMS sa pamamagitan ng kauna-unahan niyang Administrative Order.

At magmula naman noon pinagsikapan namin sa PTFoMS na makagawa ng mga hakbang para naman di tayo laging nababanatan o tinutuligsa ng mga internasyunal na grupo gaya ng CPJ, Reporters Without Borders at UNESCO.

Kaya nga sa ulat ng CPJ noong 2020, “best mover” ang pagkakabansag nila sa Pinas, kung larangan ng proteksiyon sa media ang pag-usapan.



Maganda ng senyales ito. Pero igagarantiya ko sa aking mga kabaro sa media, na ang PTFoMS ay hindi magiging ‘pakaang-kaang’ na lang dahil di na tayo natutuligsa ng CPJ. Bagkus ipinangangako ko bilang namumuno sa PTFoMS, pagsisikapan naming mawala ang Pinas sa kanilang listahan ng mga delikadong lugar para sa mga taga-media.

Kasihan nawa’ tayo ng Maykapal.