Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA kanyang twitter account, nagpasalamat ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado sa management ng GMA-7 sa pag-unawa sa kanyang situwasyon dala ng maselang pagbubuntis niya sa kanilang baby ng fiance na si Dennis Trillo.
Natigil kasi ang taping ng first team up nila ni Xian Lim sa teleseryeng Love. Die. Repeat dahil sa kanyang medical emergency.
Nasa ikalawang buwan na pala ang kanyang pregnancy nang ginagawa niya ang nasabing serye.
Grateful din siya sa network executives for allowing her to finish her teleserye after na makapanganak na siya next year.
“Maraming salamat sa aking GMA family for understanding my condition and allowing me to still finish “Love, Die, Repeat” next year once I am ready to work again.
“Sobrang thankful ako at tuloy pa rin ang show. I love my GMA family, from the moment I started as an actress na-feel ko na hindi lang ako artista sa network, kungdi parte ng pamilya nila. Madami akong pinagdaanan at kung wala ang GMA hindi ko alam kung malalagpasan ko ito. I am blessed to be a Kapuso. 💕,” aniya.
Humingi rin siya ng dispensa sa kanyang mga faney dahil na-delay ang kanilang big reveal ni Dennis dahil hinintay pa raw nila ang third month ng kanilang pregnancy para ianunsyo ang kanilang engagement at pati na ang kanyang pagbubuntis.