Advertisers

Advertisers

Lahat ng unang nanguna sa mga survey, talo!

0 677

Advertisers

KANYA-KANYANG pa-survey ang mga kandidato partikular ang mga tumatakbong presidente at bise presidente.

Siempre kung sino ang nagbayad sa pa-survey, siya ang lumalabas na numero uno, kundi man ay dikit na pangalawa.

Kung pa-survey naman sa online ng mga kakampi ng kandidato, ang sinusuportahan din nila ang nangunguna. Siempre ka-grupo rin nila ang nagla-like at nagkokomento rito. Ang komokontra, aawayin nila! Hehehe…



Sa pa-survey ng kampo ng presidential aspirant na si Bongbong Marcos, malayo siyang nangunguna laban kina Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno, Senador Manny Pacquiao at Senador Ping Lacson.

Pero sa pa-survey ni Isko, siya naman ang nangunguna. Malaki rin ang lamang niya sa mga katunggali. Sumusunod sa kanya sina Marcos at Robredo, malayo sina Pacquiao at Lacson.

Ngunit sa pa-survey ni Pacquiao, malayo naman siyang nangunguna sa mga kalaban. Sabi nga ng VP o running mate niya na si Lito Atienza: “Kung ngayon gagawin ang eleksiyon, landslide ang panalo ni Manny.” Hehehe…

Pag ang kampo naman ni VP Leni ang nagpa-survey online, nagkukulay pink ang mga reaksiyon. Panalo!

Ang hindi lang nagpapa-survey ay si Lacson. Masyadong seryoso ang kampo nito. Naniniwala kasi si Lacson na ang tunay na survey ay sa Mayo 9, 2022. Mismo!



Actually, ang survey ay mind conditioning lamang. Pero epektib rin ito para makahatak ng mga botante at makakuha narin ng suporta mula sa mga negosyanteng naghahangad ng protection sa mananalong kandidato.

Para sa kilalang political analyst na si Mon Casiple: “Huwag masyadong paniwalaan ang survey. Dahil kung ito ang susundin, huwag nang mag-eleksiyon!” Oo nga naman. Hehehe…

Sa aking karanasan bilang mamamahayag na 30 years na sa propesyon, simula nang mauso ang mga survey sa presidentiables at maging sa vice, mostly pumalpak.

Noong 1998 nang tumakbong presidente si late Senator Raul Roco, ang founder ng Aksyon Demokratiko na kinaaanibang partido ngayon nina Isko at Pasig City Mayor Vico Sotto, halos 100 percent ang kanyang rating. Pero banderang kapos. Nalaglag! Nanalo ng landslide ang noo’y Vice President na si Joseph “Erap” Estrada.

Sumunod noong 2004, si late actor Fernando Poe, Jr., ang “Hari ng aksyon’ ng pelikulang Pilipino. Consistent itong nangunguna sa survey. Pero nang sumapit ang halalan, si Gloria Macapagal Arroyo ang winner, lumamang ng halos 1 milyon!

Tapos 2010, si noo’y Senate President Manny Villar ay maagang nagdeklara ng pagtakbong pre-sidente. Dalawang taon pa bago ang halalan ay consistent siyang una sa mga survey. Ngunit ang na-nalo ay si late Noynoy Aquino. Landslide!

Sunod naman si noo’y Vice President Jojo Binay na 3 years pa bago ang eleksyon ay nag-anunsyo na ng pagtakbong presidente. Consistent ang kanyang rating, halos 100 percent din tulad ng kay Roco. Pero nang matapos ang halalan 2016, si Rodrigo Duterte ang nanalo. Pang-4 lang si Binay.

Dito kaya sa 2022? Sino kaya ang papalarin sa mga nangunguna ngayon sa survey? Marcos, Rob-redo, Moreno, Pacquiao o Lacson?

Let’s see sa Mayo 9, 2022. Exciting ito!!!