Advertisers
Buhay pa sana ang isang lola kung hindi niya binalikan upang sagipin ang alagang aso sa nasusunog nilang tahanan sa Quezon City nitong Lunes ng madaling-araw.
Kinilala ang biktima na si Wilhelmina Martin, 68-anyos, may asawa, at residente ng Tamarind St., Greenfields 1 Subd., Kaligayahan, QC.
Sa report ni P/SSg. Manel Calampiano ng Pasong Putik Police Station 16 ng Quezon City Police District, 3:55 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa tahanan ng lola sa nasabing barangay.
Ayon sa pahayag ng kasambahay ng biktima na si Merlinda Bedaje, 59, nakalabas na sila sa nasusunog na bahay, subali’t bumalik ang amo niyang si Martin upang sagipin ang alagang aso.
Pero dahil sa bilis ng paglaki ng apoy hindi na nagawa pang makalabas ng biktima sa nasusunog na bahay.
Sinabi nina Fire investigator SF03 Carlito Canapi at SFO1 Derick Caranto, naapula ang apoy 4:51 ng madaling-araw.