Advertisers
Patay ang isang magsasaka ng barilin ng ‘di nakikilang salarin sa harap ng ka-live nito sa loob ng kanilang bahay sa Ipil Zamboanga Sibugay.
Kinilala ang biktima na si Albert M. Dilig, 26 anyos, magsasaka, at residente ng Purok Gumamela, Brgy. Gituan, Ipil, Zamboanga Sibugay.
Ayon kay Maj. Shellamaie Chang, spokesman ng PRO9, 6:45 ng gabi ng maganap ang pamamaril sa Purok Manga, Brgy. Gituan, Ipil, Zamboanga Sibugay.
Nabatid na nag-uusap ang biktima at live in partner nito na si Lucia Barunday sa loob ng kanilang bahay ng kumatok ang ‘di nakikilang salarin na nakasuot ng itim na jacket, itim na short, bull cap at mask.
Nang buksan ng biktima ang pintuan, agad itong pinagbabaril ng salarin na timaan sa iba’t bang bahagi ng katawan at matapos ang krimen mabilis na tumakas ito sakay ng puting Honda XRM sa ‘di nabatid na direksyon.
Isinugod ang biktima sa Zamboanga Sibugay Provincial Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay.
Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay ng nasabing insidente.(Mark Obleada)