Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NAGLAGAY ng sarili niyang gym si Andrea Torres dahil todo work out ito sa ngayon.
Marami namang nakapansin na grabeng pagka seksi ni Andrea ngayon at wala itong tummy.
San ba napupunta ang kinakain nito at talagang wala itong bilbil.
Ang dahilan kung bakit nagtayo na ito ng gym ay hindi raw niya alam kung kailan pa magbubukas ang gym.
Tutok nga raw sa gym si Andrea at dagdag pa ang diet nito.
Mostly ay chicken at beef lang daw ang nilalapang ni Andrea at no carbs kaya naman na-achieve nito ang sexy body na no tummy.
Pero inamin ni Andrea na may mga eating cheat day siya.
At sa cheat day na ‘yun, dun naman daw ito kumakain ng cake at burger at malakas talaga itong kumain.
Gusto raw ng dalaga na pag tumanda na ay active pa rin siya dahil sa nakasanayang work out at diet.
***
Zoren at Carmina, di pa ready na magka-lovelife ang kambal
SINAGOT ng Celebrity couple na Zoren Legaspi at Carmina Villarroel ang tanong kung handa na ba sila na magka-lovelife ang kambal na sina Mavy at Cassy.
Ayon kina Zoren at Carmina, parang nakikita nila na di pa sa ngayon at tila tutok pa raw ang dalawa sa kanilang mga career.
Sundot pa ni Zoren na parang di pa napapanahon na magka-lovelife ang kambal.
Para sa mag-asawa ay hindi pa ito ang panahon para magkadyowa ang dalawa.
Kailangan muna nga raw sa panahon ng pandemya ay mag-survive muna tayo bago mag-lovelife ayon sa ama nina Mavy at Cassy.
Dagdag ni Carmina na pare-pareho nga raw sila busy sa work.
Magsasama naman for the first time sina Zoren at Carmina sa isang project sa GMA na balitang may ilang factor ang aktres sa intimate scene nila ng mister.
Well, well, well…’Yun na!