Advertisers

Advertisers

Jaclyn binisto, binubugbog ni Albie si Andi kahit buntis

0 230

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

TINANGGAL na ni Jaclyn Jose sa kanyang Instagram post  ang naging reaction niya sa latest pronouncement ni Albie Casino.

Nakita  na  lang  ang  screenshot  ng  kanyang post  sa  ibang website.



Sa deleted post niya ay galit na galit ang multi awarded actress  kay Albie  at nakiusap pa ito sa executive producer ng Pinoy Big Brother na si Laurenti Dyogi  na huwag galawin ang kanyang apo.

“Pls  nakikiusap ako wag mo galawin apo ko..Direk Lauren , pls  stop this  wala pupuntahan  to kaibigan kita for so long…wag mo hayaan  mag materialized  ang pbb ng Albie lang….maari  rating pero magkapatid  tayo,”  bahagi ng post ni Jaclyn.

Sabi pa ni Jaclyn ay nananahimik na raw ang kanyang anak kaya sana raw ay pigilan na magsalita si Albie.

“Lauren  you can stop him or go on (rating)  sige mapapahiya  kayo kasi  lalahatin ko na…” mesage pa ni Jaclyn kay direk Lauren.

Nagbigay din ng mensahe ang actress kay Albie at nagbanta.



“Gusto mo sabihin ko in public  paano  mo bugbugin  anak ko?  Kahit  buntis? Try mo ko…” banta ng premyadong actress kay Albie.

Matatandaan kamakailan nagsalita si Albie laban kay Andi sa Kumu Live bago siya pumasok sa PBB house. Sabi ng actor ay hindi pa raw nag-apologize sa kanya ang ex-girlfriend na obviously na ang tinutukoy ay ang pagsasabi na siya ang ama ng panganay na anak ni Andi na si Ellie, but ang katotohanan ay si Jake Ejercito pala ito.

Sinabi ni Albie na masaya  at natutuwa siya nang malaman na mataba na ngayon si Andi.

***

Labi ni Dolphy hindi na ililipat ng mga anak

Hindi na itutuloy ang unang plano ng mga anak ni Dolphy na ilipat sa Tanay ang labi ng Comedy King  mula sa Heritage  Park kung saan nakalagak ang bangkay nito. Ito ang ibinalita ni Epy Quizon nang makausap ng ABS-CBN.

Kaya naman daw naisipan ng mga anak ni Dolphy na ilipat sa Tanay ang labi ng kanilang ama ay dahil may property ang mga Quizon doon at plano drin nila na maglagay ng chapel at museum.

“We  wanted  his  columbarium to be inside the chapel  in Tanay. When he was placed  at Heritage there was no columbarium  right away. That  was the idea before. We decided na huwag na lang  naming galawin si Daddy. I  think he`s happy  there  at  Heritage,” say ni Epy.

Ang “we” na tinutukoy niya ay silang magkakapatid at si Zsa Zsa Padilla na nagplano ngang ilipat ang labi ni Dolphy.

Tama ang naging desisyon ni Epy at mga kapatid dahil malayo ang Tanay kumpara sa Heritage na mabilis nilang mapupuntahan at ibang pamilya at kamag-anak ng Comedy King.