Advertisers

Advertisers

Alexa nagmamaldita sa Bahay ni Kuya

0 323

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SI Alexa Ilacad ang isa sa celebrity housemates na pasok sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Season 10.

Noong bago pa siyang pasok sa nasabing reality show, supladita ang first impression sa kanya ng kanyang housemates dahil sa pag-entra pa lang daw nito ay di na sila binati.



Pero as time goes by, nadiskubre nila na hindi naman pala ganoon ang ugali ng Kapamilya actress dahil pinatunayan nitong team player naman siya.

Sa unguarded moments niya, nahuli siya ng kanyang ka-close na si Eian Rances na umiiyak.

Tinanong siya kung bakit lumuluha ang aktres.

Ani Alexa, naalala lang daw niya ang sinabi sa kanya ni Kuya nang ipatawag siya nito.

Pagtatapat pa niya, sobrang bait daw pala ni Kuya at labis siyang na-touched sa sinabi nito sa kanilang naging heart-to-heart talk.



In-encourage lang daw siya ni Kuya na ipagpatuloy lang ang ginagawa niyang pagpupunyagi sa buhay at pati na sa bahay.

Hindi rin niya naiwasang ilabas ang kanyang saloobin kasama na ang ilang frustrations niya sa showbiz.

Aniya, matagal na raw siya sa showbiz pero never pa raw dumarating ang break niya na magbida sa pelikula.

Iyong role raw niya sa “Four Sisters Before the Wedding” ay hindi niya masasabing solo movie niya dahil apat silang bida roon.

Gayunpaman, ayaw daw naman niyang maging bitter at ikumpara ang sarili sa iba dahil naniniwala siyang ang dapat niyang itinatanong ay “me-when?”

Pumasok daw siya sa bahay ni Kuya dahil naniniwala siyang mahahasa pa ang kanyang personalidad pagdating sa people skills at the same time, baka raw ito ang maging daan para mapansin na siya at mabigyan ng matitinding breaks sa showbiz tulad ng pagbibida.

Sa ngayon naman ay talk of the town ang kanilang conflict ng housemate na si Albie Casino sa pag-aaway nila over peanut butter sa Bahay ni Kuya.

Hirit tuloy ng netizens kung may ADHD si Albie, gusto na naman daw bang pangatawanan ni Alexa ang kanyang pagiging maldita.

Bago mag-pandemic, naging kontrobersyal din si Alexa dahil sa naging komento ng girlfriend ng ex niya noon na si Nash Aguas na inabot na ng thirteen years ang relasyon nila ang aktor.

Hirit ni Alexa, bagama’t  masaya na siya kina Nash at Micah, napaisip lang siya dahil sa loob ng thirteen years daw na iyon, ang pagkakaalam niya ay naging bahagi rin siya ng buhay-pag-ibig ng aktor.