Advertisers

Advertisers

Gari Escobar hinahanap ng katawan ang mag-perform nang live

0 581

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

AMINADO ang mahusay na singer/songwriter na si Gari Escobar na sobrang hinahanap ng katawan niya ang pagpe-perform nang live, tulad ng dati noong wala pang pandemic.

Sambit ni Gari, “Sobrang miss na po, mabuti na lang at may iba pa akong passion that’s keeping me busy kahit nasa bahay lang.”



After ng pandemic, ano ang plano niyang gawin sa kanyang singing career?

“Sana nga po ay matapos na ang pandemic na ito, marami sa atin ang sobrang ipinagdarasal iyan. Well, ang plano ko po ay bumuo ng album and magkaroon ng press launch with mini-concert po,” esplika niya.

Nabanggit din ni Gari na may bago siyang ilalabas na song or single.

“Yes po, mayroon po akong ilalabas na bagong song, the title is Iwan Mo Na Ako, na set for release in December,” pakli pa niya.

Incidentally, Si Gari ay bahagi ng 1st Aaliwin Kita Virtual Concert 2021, kaya inusisa namin siya sa ilang detalye hinggil dito.



“The Aliw Awards Foundation Incorporated has given birth to another project entitled, The 1st Aaliwin Kita Virtual Concert 2021. This special event aims to raise funds for ALIW Awards Foundation’s projects for the displaced live entertainers and OFW performing artists during the pandemic.

“Ito po ay produced by ALIW AWARDS FOUNDATION INC. na conceptualized and directed by Miko Villanueva and Diane de Mesa.”

Aniya pa, “Mapapanood ito from Nov. 1 to 14 (International) and from Nov 15 to 30 (Asian Countries). Mapapanood po rito sina Ms. Pilita Corrales, Ms. Ivy Violan, Richard Merk, Gerald Santos and Ms. Kuh Ledesma with some other guests performers.

“Kasama rin po rito sina Ms. Diane de Mesa, ako po, Max Gilbert Sy, Mika Lorie,  Zandro Mance, Jawji Anne Altamera, Maricar Aragon, Edrick Alcontado, Aya Rahimifard, Janah Zaplan and Jos Garcia. With the special participation of Manjoh Marley, Beam Divas and James Al.”

In the future kung may ganitong virtual concert ulit, sino ang wish niyang maka-duet?

“Gusto ko sanang makasama ang mga paboritong singers ng mother ko habang active pa sila, like Ms. Kuh Ledesma, Ivy Violan, Zsa Zsa Padilla, Joey Albert, at Vernie Varga. Iyong mga favorites ko kahit later na, kasi mga bata-bata pa naman sila,” nakangiting saad pa ni Gari.