Advertisers

Advertisers

Marco humingi ng go signal kay Jake bago ang love scenes kay Kylie

0 344

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

SA bagong movie na ginawa ni Marco Gumabao under Viva Films, ang “My Husband, My Lover” ay mapapasabak siya sa mga daring love scenes,  not once but marami.

Isa kasi si Marco sa leading man ni Kylie Versoza sa naturang sexy drama movie kasama rin si Adrian Alandy. Aminado si Marco na nailang siya sa unang sabak niya sa sexy love scene nila Kylie Versoza, sa kadahilanan na alam ni Marco na parter ni Kylie si Jake Cuenca at ang naturang actor ay naging close friend niya sa isang serye sa ABS-CBN 2.



Kaya bago pa man simulan ang shooting ng maiinit na love scenes nila ni Kylie ay kinausap na niya si Jake.

“Nagpaalam ako kay Jake kasi friends naman kami. We played brothers in ‘Los Bastardos’. Sabi ko, akong 3rd wheel sa kanila and I asked for his blessing.

And he said, ‘bro, you have my blessing’. I needed that go signal from Jake para maitodo namin ni Kylie ang mga eksena namin,” pahayag ni Marco.

Inamin din ni Marco na matagal na siyang walang gf,  halos ilang taon na rin and very much single siya.

“My last girlfriend was four years ago. I’m now 27 years old and gusto ko, my next relationship would be yung girl na pakakasalan ko na,” say pa rin ni Marco.



***

KUNG labis na nagulat at kinabahan ang beauty queen turned sexy actress na si Cindy Miranda sa pagkakadamay ng kanyang pangalan bilang third party sa hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica ay mas lalong nagulat si Cindy nang makarating sa kanyang kaalaman na may lihim na relasyon na pala ang kanyang mga kasamahan na sina Aljur at AJ Raval, sa pelikulang pinagsamahan nilang tatlo, ang “Nerissa”.

Sa naturang movie, si Cindy ang loveteam ni Aljur samantalang si AJ ay kay Sean de Guzman. Say ni Cindy, nang malaman niya na nalinis na ang pangalan niya sa pagkakadawit sa naturang hiwalayan ay hindi naman siya makapaniwala na may nangyayari palang ligawan sa set ng movie nila noon na hindi niya namamalayan.

“Ako kasi noon, I just isolated myself to focus on my role. Lumalabas lang ako kapag take na. But I wasn’t really affected by the bashing kasi alam ko naman kung ano yung totoo.  Yung family ko lang, nasaktan sa nababasa nila sa social media,” say ni Cindy.

So, wala talaga siyang alam na may namumuong romansa na pala sa pagitan nina Aljur at AJ?

“Honestly, hindi ko talaga alam. Kasi nga I kept to myself dahil sobrang bigat ng role ko, so I didn’t get to spend time with my co-actors. Nagulat din ako when I learned sa social media na may something pala sila. Sana, kung ano man yung gulo ngayon na pinagdaraanan nila, maayos nila kasi kaibigan ko sila,” dagdag pang say ni Cindy.

Watch out for Cindy sa latest sexy movie niyan “My Husband, My Lover” streaming on Vivamax simula sa November 26.