Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NAGPASALAMAT nang bongga si Jennylyn Mercado sa kanyang home network, ang GMA-7.
Naunawaan kasi ang kanyang kondisyon lalo na nga raw ngayon at buntis siya.
Dahilan ito para ma-delay ang lock in taping ng kanilang serye ni Xian Lim na Love, Die, Repeat.
Dahil maselan ang pagbubuntis, kailangang mahinto ang kanilang serye pero natuwa naman si Jennylyn dahil itutuloy pa rin daw niya ang naudlot na serye nila ni Xian.
After nga raw makapanganak at okey na si Jennylyn next year ay muling gigiling ang kamera.
Dahil sa konsiderasyon na ‘yun na binigay aa kanya ng Kapuso ay na-feel nito na di.lang siya artista dito kungdi kapamilya na.
Wish naman ng couple na sina Jen at Dennis Trillo ay maging baby girl na ang kanilang first love child.
Pareho na kasing silang may anak sa ibang karelasyon kung saan si Jennylyn ay may anak na boy na si Alex Jazz at si Dennis ay si Calix.
Kaya ipagpre-pray daw nila na baby girl na ang maging kapatid nina Alex Jazz at Calix.
***
Mar Lopez nagpasikat ng kantang ‘May Pulis Sa Ilalim Ng Tulay’ binawian na ng buhay
MARAMING nagulat na taga-showbiz dahil ang maituturing na icon na si Kuya Mar Lopez ay binawian na ng buhay.
Atake ang tumapos sa buhay ng sikat na comedian-singer-composer-broadcaster-talent builder.
At isa na naman haligi ng industriyang maituturing si Kuya Mar dahil sa tagal na nito sa showbizworld.
Katunayan, siya ang unang nakatuklas sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.
At sino ba naman ang makakalimot kay Kuya Mar bilang lead vocalist ng The Big Three Sullivans na nagpasikat ng awiting ‘May Pulis Sa Ilalim Ng Tulay’.
Marami pang awitin na sumikat at nakilala na naging daan para makatanggap ng karangalan si Kuya Mar.
Kapag may show abroad ang King of Comedy na si Dolphy ay si Kuya Mar ang gusto nitong partner dahil di lang ito mahusay na mang-aawit at pagtugtog ng instrumento kundi mahusay din ito sa pagpa-punchline.
Swak na swak ang tandem nila ni Mang Pidol pag sila ang magkasama sa concert-show abroad dahil maraming naaaliw kapag sila ang magkasama.
Dagdag pa ang kanyang pagiging broadcaster sa DWIZ tuwing Sunday, ang Pasiklaban sa DWIZ kasama ang for life partner na si Mommy Victoria Cacnio at kahit ang management ng radio ay nalungkot sa pagkawala ni Kuya Mar.
Nagluluksa na naman ang showniz sa pagkawala ng masasabing icon sa mundo ng musika at pagpapatawa.
Sa socmed naman ay marami na ang nakiramay na mga nakasama ni Kuya Mar sa project at isa nga raw karangalan na nakasama nila at naging tatay tatayan ang lead vocalist ng Big Three Sullivans na naging Tatlong Pinoy.
Magiging isang magandang alaala ang mga iniwan ni Kuya Mar na hindi malilimutan ng mga nakasama na nito sa proyekto.
Inulila ni Kuya Mar ang kanyang butihing maybahay na si Mommy Vicky at anak na si Venus Lopez.
Sa mga nagmamahal kay Kuya Mar, sa Friday ang burol sa St. Peter Commonwealth QC.
Condolence po sa family!
Well, well, well…’Yun na!