Advertisers

Advertisers

Bawas 2 puntos!

0 287

Advertisers

KAHIT ano pa ang sinasabi ng rules ay nalagay sa alanganing sitwasyon ang Lakers sa panalo nila sa Rockets sa Staples Center noong Miyertkules.

Nabalewala ang free throws made ni Kent Bazemore noong may 2: 31 seconds pa. 4th team foul pa lang daw ng Houston at dapat hindi binigyan ng tira si Bazemore sa charity line. Kaso na-shoot na ni Kent ang 2 at isang minuto na halos ang lumipas nang mapansin nila ang kamalian.

Malinaw na kasalanan ng table officials at refs ito. Kung kailangan bawasan ng dos puntos sina LeBron James ay dapat binigyan sila ng extra possession. Kaso hindi ganoon ang naganap. Tinanggal ang 2 points sa stripes at hindi nagkaroon ng isa pang opensa ang Los Angeles. Bizarre!



Mabuti at nanaig pa rin sa dulo ang mga tropa ni Frank Vogel. Kasi kung natalo sila ay sigurado protesta ito

Dapat liwanagin ng NBA ang isyu pero wala pa tayong narinig sa opisina ni Adam Silver. Paging Mr. Commissioner!

***

Pwede naman talagang iprotesta ng ibang koponan ang isang manlalaro buhat sa isang team. Maaring alisin siya sa listahan o kung wala pang desisyon ang mga tagapamahala ay mafoforfeit ang W ng mga kasali siya sa game.

Ganyan din sa presidential elections. May kapangyarihan ang Comelec i-disqualify ang isang kandidato kung may makitang violation base sa reklamo. Kapag hindi umabot sa halalan ang final decision ng Supreme Court at napatunayan may paglabag ay parang hindi rin siya naging kabilang sa listahan ng mga iboboto kahit siya pa ang nagwagi. Yung pangalawa na may pinakamataas na numero ang idedeklara nagwagi ng poll body.



***

Tiyak na ang pag-appear ni Norman Black sa Boomer’s Banquet sa ika-13 ng Nobyembre. Isang araw yan pagkatapos ng kaarawan ng coach ng Meralco Bolts. Makakasama ni Coach Black sina sportswiter Lito Cinco at si Almond Cajefe ng Wilson Balls.

Co host natin sa BB sina George Boone at Bob Novales at ang paksa natin ay ang 75th anniversary ng NBA.