Advertisers

Advertisers

Claire type masampal ni Cherie; Showbiz at politics sanib-pwersa sa pagbati kay Vilma

0 255

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MUKHANG nabuhay na muli ang dugo ng libo-libong fans and supporters ng Star for All Seasons na si Cong. Vilma Santos. Halos walang patid ang mga pagbati na natanggap ni Ate Vi sa buong maghapon sa mismong kaarawan niya last Nov.3.
Karamihan sa mga bumabati kay Ate Vi through her social media account ay fans ng aktres/politician. Sa dami ay masasabi mong nagsanib puwersa na ulit. May kinalaman kaya ang pagdagsa ng mga fans ng Star for all Seasons sa kanyang desisyon na wag na munang makisali sa darating na halalan sa Mayo 2022 at mag-focus na muli sa kanyang first love, ang umarte.
Isa sa talagang nakaagaw-atensyon sa lahat ng bumati kay Ate Vi ay ang pagbati ni Megastar Sharon Cuneta, na kung hindi mo malalaman na isang sikat na artista ay masasabing tila isang die hard fan ni Ate Vi.
Narito ang pagbati ni Ate Shawie sa paboritong aktres.
“Happy, happy birthday to you, dearest Ate Vi! You are ageless to us, your Vilmanians. I love you!!! May God bless you always. Don’t think of it as 68. Think of it as 33, with 35 years of experience! Siempre, I love you, ate Vi!”.
***
SA pagtatapos ng GMA afternoon teleserye na ‘Nagbabagang Luha’ na pinagbidahan nina Mike Tan, Rayver Cruz, Claire Castro at Glaiza de Castro, tila ang nag-iwan ng tatak sa supporters ng naturang serye ay ang baguhang aktres na si Claire Castro. Naging usap-usapan ang makatotohanang sampal, sabunot at pagngudngud ni Gina Alajar kay Claire. Maraming napabilib sa akting ni Claire na tila pader ang mukha na kahit matindi ang sampal na inabot kay Gina ay tuloy pa rin sa pag-arte si Claire na tila ba hindi man lang natinag sa mga makatotohanang sampal ng beteranang aktres.
Kung sakaling mabigyan uli ng isang serye si Claire, ano ang mas pipiliin niya, ang masampal ulit o siya na ang mananampal?
“Mas masaya yung ikaw yung sinasampal kasi nagigising ka po,” say ni Claire.
At sino naman kayang aktres ang nais niyang manampal sa kanya after Gina Alajar?
“Isa siya sa magagaling na kontrabida and it would be an honor na masampal ni Ms. Cherie Gil,” dagdag na say pa rin ni Claire.
Tsika nga ng isang mahaderang basher ni Claire, sana ay matikman din ni Claire ang sampal ni Gladys Reyes, malamang baka raw sumuko na si Claire magpasampal ng makatotohanan.