Luis at Jessy inaasahang makabubuo na ng baby sa inuupahang bahay; Paolo miss na ang anak na si Summer, dadalawin sa New York
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MGA dalawang taon posibleng tumira pansamantala ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola sa uupahang bahay.
Ipinasilip sa latest vlog ni Jessy ang bahay na titirhan nilang mag-asawa habang ipinapa-renovate pa ang sariling bahay.
Kalkula nga nila na mga 2 years sila mananatili sa bahay na may 4-bedroom cloffice na rin (closet at office.)
Fave ng mag-asawa ang backyard na may garden at nandun na rin ang gym equipment ni Luis.
Pansin na walang masyadong gamit ang nasabing bahay at ‘di naman nila puwedeng punuin ito ng mga gamit.
Ang mahalaga nga raw ay komportable sila at kahit ang mga alagang hayop nila ay may space rin at puwedeng maglaro.
Habang nangungupahan ay ayaw naman nila na bumili pa ng ilang bagay na inilalaan nila sa ipinagagawang bahay.
Inaasahan naman na sa dalawang taon na pananatili sa inuupahang bahay ay dito na makakabuo ng first child ang mag-asawa.
At for sure sa 2 years ay doon na rin makakaisip ng contents niya si Jessy para sa kanyang Youtube channel.
***
ILANG linggo na rin na hindi nakikita ni Paolo Contis ang anak nito kay LJ Reyes na si Summer.
Kaya nagpaplano ito na bisitahin ang anak at magpunta sa New York kung saan nung magkahiwalay sila ni LJ ay doon na nga nagtungo ang aktres bitbit ang dalawang anak na sina Aki at Summer.
Pero tila may conflict sa iskedyul ng aktor sa dami ng mga karaketan nito.
May plano na baka December kung luluwag ang iskedyul ay go ng New York si Paolo dahil miss na miss na raw nito si Summer.
Dinedma at ‘di naman nito watch ang bagong interbyu kay LJ ni Kuya Boy Abunda.
May mga nag-ask nga kung na-watch niya ang interview.
‘Wit!’ ‘Yun lang ang sagot ng aktor na tila hinahayaan na lang niya ang kalayaan na makapagsalita si LJ.
Maganda na nga ang ginagawa ni Paolo na huwag na lang sagutin or kontrahin ang mga kuda ni LJ para raw ‘di na lumaki ang isyu na pinuri naman ng netizens.
Well, well, well…’Yun na!