Advertisers

Advertisers

Marcos, Leni ang sakalam pero humahabol si Ping!

0 276

Advertisers

UNTI-UNTING nagbabago ang trend ng mga survey sa presidentiables.

Oo! Habang papalapit ang halalan, mga anim na buwan nalang mula ngayon, at nakikita na ng mga botante ang mga plataporma ng bawat kandidato, nalalaman ang ka-rakter ng mga ito, nakakabuo narin ng desisyon ang marami kung sino ang kanilang ipapalit kay Pangulong Rody Duterte sa Malakanyang pagsapit ng Mayo 9, 2022 Election.

Kung noon ay paborito ng marami sina Senador Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno, ngayon naman ay sina Vice President Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos na ang matunog na pinagpipilian ng marami. Pero ang nakagugulat ay humahabol si Senador Ping Lacson.



Sa mga survey sa online media at maging sa sagutan ng netizens sa facebook, ang malakas na pinagtatalunan ay Leni at Bongbong (BBM). Napag-uusapan narin si Ping. Samantalang madalang nalang nababanggit sina Pacquiao at Isko.

Dito sa bagong isyu na ipinupukol kay Marcos tungkol sa pagkaka-convict ng Quezon City Regional Trial Court sa hindi pagbayad ng tax noong 1982-1985, sinabi ng netizens na kapag nakansela ang kandidatura ni BBM, ang iboboto nila’y si Lacson. That means 2nd choice ng Marcos supporters itong Lacson, hindi sina Pacquiao o Isko. Aray ko!!!

Pero sabi ng mga eksperto sa batas, suntok sa buwan na makakansela ang kandidatura ni BBM. Dahil ang kaso raw nito ay ang hindi pag-file ng income tax returns (ITRs), hindi tax evasion.

Sa rekord ng Quezon City RTC, walong kaso ang isinampa laban kay BBM sa hindi niya pag-file ng kanyang ITR mula 1982 – 1985.

Hulyo 27, 1995, bumaba ang desisyon ng korte. Convicted si Marcos sa lahat ng walong kaso, hinatulan siyang makulong ng pitong taon at pinagbabayad ng P64,000.



Inapela ni Marcos ang kaso sa Court of Appeals. Acquited siya sa tax evasion pero pinagtibay ang ‘guilty’ verdict sa kabiguang pagsumite ng ITRs. Pinagbayad lamang siya ng P32,000.

Inakyat pa ni Marcos ang kaso sa Korte Suprema pero winidro niya rin. Nagbayad nalang siya ng fine noong Oktubre 31, 1997.

Pinagtatalunan ito ngayon ng mga abogado. Pagali-ngan ng mga argumento. But at the end ang Comelec ang kikita este ang magreresolba nito. Mismo!

Ang disqualification petition na isinampa ng political prisoners at human rights groups ay nakatakda nang i-raffle ng Comelec sa kung anong division ang hahawak nito. Abangan nalang natin ang magiging resolusyon.

Sabi ni Comelec spokesman James Jiminez, aabutin ng ilang buwan bago malutas ang kasong ito. Sana madesisyunan ito bago pa magsimula ang kampanya sa Marso. Dapat!

***

Pinabulaanan ni Sen. Pacquiao na aatras siya sa kanyang kandidatura. Tuloy daw ang kanyang laban dahil kailangan siya ng mga Filipino.

Lumutang kasi ang balita na mag-Vice nalang si Pacquiao kay Isko o kaya’y kay Robredo.

“Tuloy po ang laban ko,” diin ni Pacquiao na malawak-lawak narin ang naiikot at malaki na ang nagagastos sa pamumudmod ng salapi sa bawat lugar na kanyang puntahan. Goodluck, Champ!