Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
ILANG buwan ng parte ng No.1 action-drama serye na “FPJ’s Ang Probinsyano” si Rosanna Roces at enjoy ang kaibigan naming actress sa pag-stay nila sa lock-in taping ng seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin sa Ilocos Sur at Bataan.
Sa latest post ni Osang sa kanyang FB account ay binati nito si Coco sa kaarawan ng actor-producer na nag-celebrate ng birthday last Nov.1. “And this cycle ends with a meaningful prayer from the Man who’s turning 40 tomorrow. Happy Birthday🎂🥳🎂 Coco..Maraming salamat sa Yo at marami kaming natutulungan mo🧡 ingatan mo maigi ang sarili mo…Wish ko ang habambuhay na kaligayahan..kapayapaan at Panatag na kalooban..Mabuhay ka hanggat gusto mo !! Mahal ka namin Coco❣❣❣.”
Na-post din ng actress na last taping day na nila sa La Casas Filipinas de Acuzar sa Bataan at baka balik na sila ng buong cast ng Ilocos at pinayagan na uling magtaping sa lugar. Isa pang excited si Osang ay ang kumpirmadong pagpasok ng character ng Bff niyang si Sharon Cuneta sa FPJ’s Ang Probinsyano, na yes start na ng lock-in taping niya ang Megastar.
We heard na si Shawie ang gaganap na biological mother ni Mara (Julia Montes) at siya (Osang) naman ang kinikilalang ina ni Julia sa said series ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment. Samantala, dalawang pelikula rin pala ang natapos ni Osang, ang part 2 ng “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar” at ‘yung isa ay produced ng isang independent movie outfit.
***
Na-Missed Sa Live Concert Scene, JC Garcia Jampacked Ang Halloween Party Concert Sa California
Last October 30 ay jampacked ang crowd sa ginanap na Halloween Party Concert ni JC Garcia with his guest and producer Yolanda Siracusa sa Fort Mckinley Bar & Restaurant sa Brentwood Drive, South San Francisco, California.
Yes, naging very successful ang pagbabalik ni JC sa concert scene na matagal niyang hindi nagawa because of Covid-19. Kuwento pa ni JC sa amin bago idaos ang show nilang ito ng Bff at co-recording artist na si Yolanda na sumikat during 80’s dito sa Pinas dapat ay 120 persons lang ang allowed na papasukin sa Fort Mckinley Bar pero sold-out daw ‘yung 150 tickets.
Ang ending noong proper show na ay mahigit 150 persons ang dumagsa sa venue kaya pinapasok na rin at lahat ay nag-enjoy talaga sa performance ni JC.
At obvious na sobrang na-miss ng lahat si JC sa live concert at lahat ay pumapalakpak sa bawat number at pinagkaguluhan talaga siya ng crowd sa kanyang concert na napanood nang live sa online show ng international recording artist na “JC LIVE” sa ATC BEST TV Channel 31.
***
Magiging Busy Ang 2022 Para Sa Director-Producer Na Si Reyno Oposa
Dahil for good na ang pag-uwi ng Pinas ng friend naming director and movie producer ng Ros Film Productions na si Direk Reyno Oposa bago mag-Pasko, ayon sa kanya sa recent chat namin ay sunud-sunod ang gagawin niyang movie projects this 2022.
Sa katunayan, bukod sa malaking pelikula nito na “Claver: Island Of Promise” kasama ang ilang malalaking artista ay may gagawin ding sexy movies si Direk Reyno kabilang na ang mala- “Scorpio Nights” na blockbuster movie ng Regal Films noong 80’s.
Sa kanyang Facebook account ay naghahanap ng babaeng gustong mag-artista na ang edad ay mula 20 to 24 yrs old at kailangan baby face o innocent look daw na isasama ni Direk Reyno sa sexy movie na wala pang title.
Kasama rin sa2022 ang pagbibidahang proyekto ng sexy newcomer talent ng kaibigan naming director na si Alquin Gaddi. Balik Live-Streaming na pala si Direk Reyno at marami ang nag-eenjoy sa kanyang mga tina-tackle na topic sa kanyang Official Youtube Channel na REYNO OPOSA na may 10.4K subscribers as of Nov 5, 2021 and still counting.