Advertisers

Advertisers

Sheree dream makasama sina Lea at Ian sa kanyang YT channel

0 502

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

PATULOY sa kaliwa’t kanang pinagkaka-abalahan ang sexy actress na si Sheree.
Bukod sa madalas siyang napapanood ngayon sa Vivamax, si Sheree ay magaling na pole dancer, DJ, singer/songwriter, at painter din.

Pero sa kasalukuyan ay nakatutok siya sa bago niyang Youtube channel, ang Sheree On Top TV, although may niluluto rin siyang mga kanta para sa kanyang singing career.




Advertisers

Sa aming tsikahan sa FB, nai-suggest ko sa kanyang i-guest sa Youtube channel niya sina AJ Raval na friend naman niya, Ivana Alawi, Direk Darryl Yap, Donnalyn Bartolome, at ba pa.
Nang inusisa namin ang aktres, nabanggit niya kung sino ang dream niyang mai-guest sa kanyang Sheree On Top TV.

Wika ni Sheree, “Sa Youtube channel ko, ang dream ko unang mai-guest ay si Lea Salonga. Ultimate idol ko kasi ‘yun. Pero feeling ko kasi, matutulala ako kapag kaharap ko na siya.
“Pati si Ian Veneracion, pangarap ko rin siyang mai-guest. Ganoon din ako noong nakita ko si Ian, yung crush na crush mo simula bata, tapos makikita mo in person, parang nakakatulala, eh.”

Dagdag pa ng aktres, “Concentrate muna ako sa pag-build ulit ng Youtube channel ko, for now. Ang una kong i-launch is “too hot for podcast” sa shereeontoptv with Rico Robles and Kat B.”
Nabanggit din ni Sheree na gusto niyang maging content ng channel niya ang kanyang fitness journey, art, at interview sa iba’t ibang artists and possibly, pati sa mga politicians.
Sambit niya, “I wanna share my stories, my real self to my supportive subscribers.”
“Before kasi puro kagagahan lang ako. I wanna go deeper now,” nakatawang pakli pa ng aktres.

From Sheree Vidal Bautista, ginawa niyang Sheree on Top TV ang kanyang YT channel. Ano ang reaction dito ng madlang pipol?



Esplika ng former member ng Viva Hot Babe, “Nagustuhan nila dahil very catchy daw kasi ang new title. Kaya happy talaga ako, dahil positive ang reactions ng lahat.”

Advertisers

Ang next na pelikulang aabangan kay Sheree ay ang movie nilang Deception starring Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, directed by Direk Joel Lamangan.

Isa pang tinututukan ni Sheree ang kanyang pagpipinta dahil nakatakda siyang magkaroon ng series of exhibits here and abroad.

“Thankful ako talaga sa lahat ng dumarating na opportunities sa akin ngayon. Kaya if there’s a way na I can share it to people, siguro it’s with my art. Kasi, talagang parang it’s one way to help people in a way, na makakapag-share ka ng positivity mo sa mga tao, eh.

“Importante ito ngayon eh, kasi iyong kalaban natin ay hindi natin nakikita. So, kailangan na labanan din natin iyan nang hindi rin nakikita, which is yung positivity,” aniya pa hinggil sa nagaganap ngayong pandemic.