Advertisers

Advertisers

Albie tinawag na walanghiya ang co-PBB housemate na si Alexa

0 259

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA Bahay ni Kuya, nasusubok talaga ang karakter ng bawat housemate.
Kamakailan lang, na-reveal na meron palang attention deficit hyperactivity disorder or ADHD ang kontrobersyal na housemate na si Albie Casiño.
Inamin niya ito sa kanyang fellow housemate na si Shanaia Gomez.
Aniya, madali raw siyang ma-stress kapag hindi niya ipinopokus sa pagwo-workout ang kanyang enerhiya.
Ito rin ang naging dahilan niya kung bakit hindi siya nakapag-bonding sa kanyang co-housemates dahil pinili muna niyang harapin ang kanyang pagwo-workout.
Kapag daw kasi nagwo-workout siya, doon lang nakakalma ang kanyang isipan.
Sa latest ganap naman sa Bahay ni Kuya, usap-usapan ang naging engkuwentro nina Albie at Alexa Ilacad sa isang episode.
Sa nasabing episode, hindi napigilan ng actor na ipahayag ang pagka-irita niya kay Alexa.
Gusto kasi ni Alexa ng peanut butter, pero para kay Albie, hindi ito kailangan ng aktres dahil “non-essential” siya sa Bahay ni Kuya.
Jinustify naman nina Madam Inutz at TJ Valderrama ang craving ni Alexa sa nasabing palaman.
Sey nila, pinagtrabahuhan daw naman nila ang mapanalunan nilang weekly budget kaya hindi naman masama kung paminsan-minsan ay i-treat nila ang kanilang mga sarili.
Ani Albie, dapat daw na maging praktikal sila sa budget na ibinigay sa kanila dahil ang presyo raw ng peanut butter ay katumbas na ng isang kilo ng manok.
Sa kanila namang usapan ng PBB housemate na si Eian Rances, ipinaliwanag ni Albie ang kanyang panig. Ito ang nilalaman ng kanilang usapan.
Eian: “Anong nangyari sa peanut butter kanina?”
Albie: “Wala, deadma sakin yun. Next time ko na babawian yun.”
Eian: “Why naman ganun, bro?” “Eh in-ano niya talaga eh, sinabi niya, ano niya yun, bigay na daw sa kanya yun kasi.”
Albie: “Bakit? Bakit kailangang ibigay sa kanya? Eh lahat naman tayo nandito, di ba? It’s supposed to be, di ba? Lahat naman tayo nahihirapan dito hindi lang naman siya.”
Eian: “Nagkasagutan pala kayo?”
Albie: “Kami?”
Eian: “About dun sa peanut butter?”
Albie: “Hindi. Hindi ko na siya sinasagot. Medyo ayoko kung paano siya umasta dito sa bahay. Hindi niya bahay to. Kailangan niyang alalahanin yan. Ano, porket matagal na siya sa industriya ganyan siya umasta? (bleep) matagal na din naman ako sa industriya, hindi naman ako ganyan umasta.”
Eian: “Ano na lang, patience na lang tayo. Patience na lang kaysa sumabog.”
Albie: “May isa pang beses na may kinukulo siya sa umaga… hindi, yung parang ginger, whatever. Nakatayo lang ako dun tapos ginanun niya ako, pinatabi niya ako at sinabihang “Mine!”
Sa nasabing eksena, maririnig din si Albie na nagsalita na: “No one’s gonna eat that. That’s fine.”
Ipinaliwanag din niya kung bakit bad trip siya kay Alexa.
“Dude, ayoko siya kung paano siya umasta dito. Saka hassle pa kasi siya pa yung pinakakilala ko dito. Happy pa ako nung una na makasama ko siya… Ta’s siya pa yung pinaka irita ako sa lahat,” sey ni Albie.
May akusasyon pa si Albie tungkol sa kaswapangan ni Alexa sa pagtatago nito ng pagkain sa cabinet.
May ilan namang housemates na ipinaliwanag sa actor na itinatago lang niya ang pagkain para sa kanya.
“Paano naging kanya ang peanut butter?” pangangatuwiran ni Albie.
Hirit naman ni Kyle Echarri, itinago lang daw ni Alexa ang nasabing jar ng peanut butter dahil paubos na ito.
Pagmamaldito naman ni Albie: “Di ba? Nakapawalanghiya mo naman. Lahat tayo dito gutom.”
Kung saan hahantong ang sigalot na ito sa Bahay ni Kuya, asahan pa ang mas maraming engkuwentro ng salpukan ng iba’t ibang personalidad.