Advertisers

Advertisers

Bistek inamin, ‘di alam na ikakasal na ang ex-dyowang si Kris

0 285

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

BUONG ningning na inamin ni Herbert Bautista na wala na itong knowing sa galaw or ganap kay Kris Aquino.
Kung ikinasal ba ito kay Mel Senen Sarmiento ay madiin nitong sinabi na wala talaga siyang alam.
Inunfollow na raw ni Bistek si Kris kaya wala na itong knowing sa nagaganap sa buhay ng TV host actress na na-link din sa kanya.
Pero kung si Bistek ang tatanungin ay happy naman ito sa nagaganap sa buhay ni Kris.
Pagdidiin pa nito na gusto nito ng matahimik na buhay at deserving din daw lumigaya si Kris.
Sa kabila na binali ni Kris ang sinabing ‘di na iibig pa dahil ang dalawang anak na lalake na sina Josh at Bimby ay okey na raw sa kanya.
Ayon kay Bistek sana nga raw ay lumigaya na si Kris at sana nga umano ay si Mel na ang lalake na makakasama nito for life.
“I’m happy for her,” sey pa ni Herbert.
Kung masaya nga ang mga followers ni Kris sa pagkakaroon nito ng lovelife lalo naman si Herbert na masaya na finally ay nakatagpo na ng right guy ang dating labs.
***
Nick Nañgit pag-ibig isinantabi dahil sa radyo at propesyon
Dati raw ay nasasaway ni Nick Nañgit, ang tinaguriang Spirit Questor, ang kanyang mudra dahil sa pag-aaral nito ng pagtugtog ng piano.
Hindi naman kasi maintindihan ni Nick ang mga tinitipa nitong nota or key sa piano dahil kasabay ng kanyang pagtugtog ay super dooper naman na nakikinig ang mother dear niya.
Kahit nung magsimula na itong mag-broadcast ay isa sa avid fan ang mother ni Nick kapag ito ay naka-onboard.
Hanggang ngayon nga raw ay hindi pa rin makapaniwala si Nick na sa radyo pala mapupunta.
Kahit wala na nga raw ang mother ni Nick, may dama or feeling ito na nandyan lang ito at nakikinig sa kanya.
Stress reliever naman kung ituring ni Nick ang radyo sa himpilang DwIZ, sa programa nilang Tambayan.
Magpo-four years na rin si Nick sa ‘Tambayan’ at sa taon na ‘yun ay nakahilera at may picture na siya sa kanilang programa na ‘Tambayan.’
Gusto nito na iba’t ibang topic o isyu ang kanyang tinatalakay every Mangku day or Friday sa ‘Tambayan’ sa 882khz sa DwIZ.
Natuwa naman si Nick dahil sa datos ay angat ito sa views at may commercials ang slot program show nito sa DwIZ.
Kaya asahan na iba’t ibang putahe ang ihahanda nito every ‘Tambayan’ time na dahilan kaya maraming sumusubaybay.
Inamin naman ni Nick na naging parte na ng buhay nito ang radyo sa araw-araw. Sa kabila noon ay super ratsada sa Radio at TV guesting ang nag-iisang Spirit Questor as in lagare ito lalo na sa panahon na ito.
Tahimik pa rin si Nick regarding sa lovelife at ‘di naman din siya very vocal dito, ang mahalaga ngayon ay mas mapaganda pa ang mga topic at isyu na pag-uusapan sa kanilang radio program na ‘Tambayan at ang kanyang propesyon kahit wala pa itong lovelife sa ngayon.
Well, well, well…’Yun na!