Heart magbibigay ng pabuyang P50K sa makahahanap ng alagang aso; Carla at Tom sa 2022 na gagawin ang honeymoon
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
CERTIFIED na isang fur mommy si Heart Evangelista. Halos lagi siyang may bagong asong alaga. Animal lover kasi si Heart at buhos ang kanyang pagmamahal sa pag-aalaga ng mga hayop lalo na sa mga aso.
Sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay nakalabas ng gate ng bahay nila ang isang alagang aso na tinawag ni Heart na si Luka. Ayon sa Kapuso actress, huling nakita ang alagang aso sa labas ng Dasmarinas Village sa Makati, sa Alphaland.
Agad naman nagpost si Heart sa kanyang social media account ng larawan ng aso niyang si Luka at sinabing nawawala ito at handa siyang magbigay ng pabuya sa halagang 10k.
“Help us find him. Sana matulungan niyo kami. Baka nasa EDSA siya? He is very afraid of people so baka nagtatago sa mga bridge,” say ni Heart.
Dalawang araw matapos magpost si Heart ay wala pa rin nakakapagturo kung nasaan ang kanyang aso kaya minarapat ng aktress na taasan pa ang pabuya sa makakahanap kay Luka, mula sa 10k ay ginawa na ni Heart itong 50k. Ganun kahalaga si Luka para kay Heart na kung tutuusin ay pwede na niyang ipambili ang 50k nang maraming aso at imported pa.
Sa ngayon ay ngaragan na si Heart sa taping ng bagong serye niya sa Siyete ang “I Left My Heart In Sorsogon” kasama sina Richard Yap at Paolo Contis. Gora din ang kanyang byuti sa States dahil sa 2 international project na kanyang gagawin.
***
LAST October 23, 2021 nang ikasal sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. At dahil na rin sa may kanya-kanya pa silang seryeng ginagawa ay hindi pa lubusang nagho-honeymoon ang bagong kasal at balak ng dalawa na sa susunod na taon na gawin ang kanilang honeymoon.
Bago pa man ikasal sina Tom at Carla ay naglive-in na muna sila. Biglaan lang ang pangyayari nang pagpasyahan nina Tom at Carla na magsama na kahit walang basbas ng kasal noon. Inabutan kasi ang dalawa ng ECQ at kahigpitan ng protocol para sa pandemya. Kaya ngayon ay tila mas naging matamis pa ang pagsasamahan ng dalawa.
Tsika pa nga ni Tom, binago na raw niya ang tawag sa misis na si Carla. Madam Mott na, dahil sa ang tunay na pangalan ni Tom ay Bartolome Alberto Mott.
“Actually joke ng daddy ko yun talaga kay mom, ninakaw ko lang. Si daddy ang nakaisip ‘non ‘yung ‘Madam Mott. Kaya naman Madam Mott Jr. o Madam Mott 2 o ‘di kaya Madam Mott din na si Carla,” say ni Tom.
Inamin din ni Carla na siya halos lahat ang nag-asikaso ng kasal nila ng mister pero ayon naman kay Tom ay babawi siya sa misis dahil siya naman daw ang mag-aasikaso ng pagpapatayo nila ng bahay at maging sa honeymoon nila next year.