Advertisers
NANINIWALA ang Action Man at Idol ng Bayan na si Raffy Tulfo na mareresolba ng bansa ang problema sa droga dahil kay presidentiable Ping Lacson.
Sa Cavite na first time sumama si Raffy kay Lacson sa konsultasyon sa mga tao, sinabi ng una na idolo niya ang senador pagdating sa disiplina at katapatan.
Kahit independent candidate si Raffy bilang senatorial aspirant, sumama ang una sa tambalang Ping Lacson-Tito Sotto dahil swak anya ang adbokasiya nila ng standard bearer ng Reporma Party.
“Ikaw ang idol ko. Totoo iyan, pagdating sa disiplina at honesty,” pag-amin ni Raffy, na nagpasalamat din kay Lacson dahil iginalang ang desisyon niya na maging independent.
Dahil maraming problemang droga ang inilalapit kay Raffy sa kanyang programa, sinabi ng TV host na naniniwala siya na kayang tugunan ni Ping ang isyu sa droga, bagay na hindi raw nagawa ng kasalukuyang administrasyon.
Base kay Raffy, nagkulang ang kasalukuyang administrasyon sa rehabilitasyon ng mga sumukong drug addict, naniniwala siyang gagawin ng magiging administrasyon ni Ping kapag naging presidente.
Sabi pa ng senatorial aspirant, kung gagaling ang mga addict, mawawalan na ng pagsusuplayan ng droga ang mga pusher at drug lord, alinsunod sa tinatawag na “law of supply and demand.” (BKC)