2 utol ni Shaina ‘di alam ang real score kay Piolo; Pauleen proud na 10 years na ang relasyon kay Bossing
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA IG post ni Pauleen Luna ay ipinagwagwagan nito na umabot na sa sampung taon ang relasyon niya kay Bossing Vic Sotto.
Kalakip ang mga larawan na super sweet sina Poleng at Bossing.
Nagpasalamat naman si Pauleen na sa ups and downs ng kanilang relasyon ay never itong iniwan ni Bossing Vic.
Dagdag pa sa post ni Pauleen na pinili niya talaga si Bossing na makasama for life at nakita naman nito ang pagiging mabuting asawa at pagiging ama nito sa kanilang anak na si Tali.
Sabi pa ni Pauleen, mahal na mahal nito ang asawa na tinag pa si Bossing Vic para sa litanya ng esmi.
Kita sa gawa ang pagiging mabuting ama at asawa niya si Bossing Vic kaya ganun na lang kasaya ang kanyang maybahay.
Marami naman natuwa na supporters nina Poleng at Bossing na isang dekada na pala ang relasyon.
Kaya marami ang bumati at humiling na netizens na more years pa ang dumating sa mag-asawa.
***
KAHIT ang dalawang nakatatandang kapatid ni Shaina Magdayao na sina Shiela Magdayao at Vina Morales ay walang alam na isyu sa bunsong kapatid.
Kaya gulat ang Ate Shiela ni Shaina nang matanong kung buntis nga ba ang aktres.
Madiing sagot nito na hindi at nag-wish ito na sana nga raw dahil 31 na rin naman si Shaina.
Ini-ask din ang super sweet na larawan nina Shaina at Piolo Pascual at ayon naman kay Ate Shiela na sweet naman daw si Piolo kahit kanino sa kanilang pamilya.
Natanong din si Vina kung alam ba nito na may relasyon sina Shaina at Piolo.
Ayaw magsalita ni Vina at gusto nito na ang mga reporter na ang magtanong sa dalawa. Ayon kay Vina, “Ang alam ko si Jodi lang ang kasama nagulat din ako at nandun si Piolo.”
May sumabat naman na netizens na bagay naman daw sina Shaina at Piolo at pareho rin silang single.
Tila wala ngang alam ang dalawang ate niya sa lovelife ng kapatid dahil di makumpirna kung sina Piolo at Shaina na.
Well, well, well…’Yun na!