Advertisers

Advertisers

DAR naglipat ng bagong pamumuno

0 313

Advertisers

INILIPAT na ni dating Agrarian Reform Secretary John Castriciones kanina Nobyembre 8, 2021 ang pamamahala ng liderato sa Department of Agrarian Reform (DAR) patungo sa itinalaga ng Malacañang na Acting Secretary Bernie Cruz na ginanap sa DAR covered court, Diliman, Quezon City.

Bunsod nito nangako si Acting Secretary Bernie Cruz na pangungunahan niya ang ahensiya na dalhin ang kaunlaran sa kanayunan at bigyan prayoridad ang mga pangangailangan ng mga magsasakang-benepisyaryo.

Bukod sa pagbibigay-priyoridad sa mga pangangailangan ng mga magsasaka, nais din ni Cruz na mapabilis ang pamamahagi ng mga certificates of land ownership award (CLOAs) sa mga agrarian reform beneficiaries (ARB), gayundin ang pagbibigay ng mga suportang serbisyo sa mga ARB organizations (ARBOs) at pabilisin ang pagresolba ng mga kaso sa ilalim ng pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).



“Sa ilalim ng aking liderato, dodoblehin ng ahensiya ang pagsisikap na maipamigay ang mga natitirang lupa sa mga magsasakang walang lupain, ang pagkakaloob ng suportang serbisyo sa mga ARBs at pagbibigay ng hustisyang panlipunan sa mga agrarian reform communities,” aniya.

Ayon kay Cruz na ang pagsasama-sama ng mga lupain ang pinakamahusay tungo sa pagpapabuti ng agrikultura, kabuhayan at produksiyon. Aniya, dalawang inisyatiba ang isinusulong ng DAR, kasama na ang proyektong “Mega-Farm” at ang Inclusive Partnerships for Agricultural Competitiveness Project.

“Layunin ng nasabing inisyatiba na mapabuti ang ugnayan sa merkado at makapagkumpitensya ang mga magsasaka at matulungan ang DAR sa pakikipag-ugnayan sa mga katuwang na institusyon na maaaring tumulong sa pagbuo ng kapital, mga kasanayan sa pamamahala, at pananaliksik at pag-unlad,” ani Cruz.

Ipinahayag niya na ang pagpapabuti ng kita at produksyon ng mga magsasaka ay malaking tulong upang mahikayat ang pagpapalago ng agrikultura at inspirasyon sa mga susunod na henerasyon na ipagpatuloy ang pagsasaka, na parehong kritikal sa pagkamit ng seguridad sa pagkain ng bansa.

“Nakatuon tayo na dalhin ang industriyalisasyon sa sektor ng agrikultura at sa pamamagitan ng pagkakaloob ng suportang serbisyo gaya ng iba’t ibang livelihood opportunities, infrastructure projects, farm machineries at equipment, capability-building trainings, loan facilities, at iba pa, makakamit natin ang matatag na ekonomiya sa kanayunan,” dagdag pa niya.



Kaugnay nito si Cruz ay dating undersecretary ng DAR para sa foreign assisted at special projects office bago ang kanyang appointment.

Matatandaan na naging malaki ang naging papel na ginampanan ni Cruz para sa pag-apruba ng World Bank (WB) ng DAR’s Support to Parcelization of Land to Individual Title (SPLIT).

Ang programa ng SPLIT ay naglalayong mabigyan ang kabuuang 1.1 milyong agrarian reform beneficiaries, na sakop sa ilalim ng collective certificates of land ownership award (CCLOA), ng pagkakataong tukuyin at ariin ang kani-kanilang indibidwal na titulo ng lupa at mga lote ng sakahan.

Inaprubahan ng WB ang loan package na nagkakahalaga ng P24 bilyon para sa pagpapatupad ng SPLIT program, na binubuo ng 78% loan proceeds na nagkakahalaga ng PhP 19.240 bilyon at 22% GOP counterpart na nagkakahalaga ng PhP 5.385 bilyon.

Ang proyekto ay ipatutupad ng DAR sa 78 probinsya sa 15 rehiyonal na tanggapan.(Boy Celario)