Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MATAPOS ang kontrobersyal na pahayag ni Albie Casino tungkol sa kanyang ex na si Andi Eigenmann bago pa siya pumasok sa Bahay ni Kuya, tila rumesbak naman ang Siargao-based celebrity mom and vlogger.
Matatandaan kasing sinabi ng actor na hindi nag-apologize sa kanya ang ex kaya wala pang maituturing na “closure” ang kanilang masaklap na hiwalayan noon kung saan siya ang nadiin bilang ama ni Ellie na later ay nabunyag na si Jake Ejercito pala ang biological father.
May halo ring sarkasmo ang sinabi niyang natutuwa siya na “super fat” si Andi, meaning nalosyang ito after ng nangyari sa kanila.
Hindi naman nakapagtimpi ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose sa mga patutsada ni Albie kaya hiniling nito sa Star Magic head na si Laurenti Dyogi na rendahan ang actor, otherwise, naghamon pa ito na maglalabas ng mga pasabog sa actor.
Nanganak pa ang intriga nang mag-post naman ang kapatid ni Andi na si Stevie ng resibo tungkol sa palitan ng mensahe ng estranged couple noon na ipinakita ng huli ang na-screengrab niyang paghingi ng apology ng kanyang sister sa ex na malugod namang tinanggap ng PBB celebrity housemate.
Sa kaso naman ni Andi, nag-post siya sa kanyang Instagram account tungkol sa kanyang weight loss journey.
Ipinakita nito ang then and now figure niya na makikita ang malaking pagbabago sa kanyang figure.
Ang current weight niya ngayon ay 59 kg samantalang ang waistline ay 29 inches.
May caption itong; “First progress report in agesssss! Been busy w homeschool but now that we’ve picked up a good pace, can’t wait to work out again!”
Sinundan pa ito ng isang post na makikita ang kanyang fit and fab physique habang nag-eendorse siya ng isang brand ng underwear.
Aniya, favorite raw niya ang very lightweight at super comfy features nito.
Dahil dito, maraming humanga sa aktres sa pag-achieve nito ng kanyang fitness goals.
Ayon naman sa kibitzers, ang pag-didisplay daw ni Andi ng kanyang pigura ay resbak o pasaring kay Albie para pabulaanang hindi siya tabatsoy.
Speaking of Albie, naging usap-usapan ang pagiging hirap niyang makisama sa kanyang housemates sa Bahay ni Kuya dahil sa kanyang kundisyong ADHD.
Siya rin ang nakatanggap ng pinakamaraming boto para i-evict sa PBB House na ang kapalaran ay malalaman ngayong linggo.