Advertisers

Advertisers

Pagsusuot ng face shield inalis na ni Isko maliban sa ospital

0 262

Advertisers

HINDI na kailangang magsuot ng face shield kung sa lungsod ng Maynila, maliban kung nasa ospital.

Ito’y matapos na lagdaan na ni Manila Mayor at Aksyon Demokratiko standard bearer Isko Moreno ang Executive Order No. 42 na nagsasaad na hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shields sa lungsod, maliban na lamang sa hospital setting, medical clinics, at iba pang medical facilities.

“Yung inyong mga kahilingan, mga sulat, at messages na pag-aralan mabuti yung paggamit ng face shield, dininig na po ng inyong lingkod,” ayon kay Moreno.



Pero nilinaw ni Moreno na kailangan pa rin ng mga mamamayan na magsuot ng face mask upang maproteksiyunan sila laban sa COVID-19.

“Ang kailangan na lang nating gawin ay mag-face mask para kahit paano maibsan ang inyong gastusin araw-araw dahil sa face shield na yan,”dagdag pa ni Moreno.

Sa ilalim ng naturang EO, nakasaad na sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na maraming miyembro ng Inter-Agency Tasked Force ang pumabor sa pagtatanggal ng face shields.

Tinukoy rin ng alkalde sa kautusan ang pagbababa na rin ng alert level status sa Metro Manila noong Nobyembre 4.

Sinabi ni Moreno na mas pagtutuunan niya ng pansin ang pagbili ng Tocilizumab at Remdesivir.



“Rest assured na kapag bumuti nang bumuti ang sitwasyon sa tulong ng taong bayan ay luluwag ng luluwag. Bibilisan lang natin ang ating kilos, tingin ko mapupunta na tayo sa new normal,” dagdag ni Moreno.

Ang naturang kautusan ay epektibo sa lalong madaling panahon. (ANDI GARCIA)