Advertisers

Advertisers

Pakialamero ang China

0 503

Advertisers

SUNDALO si Sonny Trillanes. Kasama sa kanyang training bilang kawal ng bansa ang pagiging matalas ang pakiramdam, matunog, at mapagmatyag sa paligid. Bawal sa sundalo ang tamad, bantulot kumilos, tatanga-tanga, o tutulog-tulog. Hindi nakakapagtaka na nagmamatyag siya sa galaw ng China, ang malaking bansa na may ibang pakay sa Filipinas.

Makikialam ang China sa halalang pampanguluhan sa 2022, ayon kay Sonny Trillanes sa online forum na itinaguyod noong Sabado ng National Youth Movement for the West Philippine Sea. Hindi basta bibitiwan ng Peking ang Filipinas, aniya. Lalo na ngayon na nakapasok ang China sa Filipinas at may may hawak na pulitiko at organisasyon.

Kasalukuyang nakipaggirian ng China sa Estados Unidos tungkol sa usapin ng seguridad ng Silangang Asya, ngunit makikialam ang China upang patuloy na maimpluwensyahan ang takbo ng pulitika sa Filipinas, ani Sonny Trillanes na kumakandidato sa Senado. Kung magpapabaya ang Estados Unidos tulad ng kanilang ginawa noong 2016, maaaring lumusot muli ang isang kandidato na kampi sa China, aniya. Hindi ito maganda sa bansa, aniya.



Ayon kay Sonny Trillanes, may tatlong paraan kung paano makikialam ang China sa halalan: una, tuwiran pandaraya sa pamamaraang elektroniko, or electronic cheating; pangalawa, ang paggamit ng kinasusuklamang troll farm na walang ibinibigay kundi pekeng balita; at pagpopondo sa kandidatura ng pinapaborang kandidato.

Pinapaboran ng China ang pagbibigay ng pondo sa isang kandidato na kampi sa Peking. Ginawa ito noong 2016 nang bigyan nila ng malaking halaga si Rodrigo Duterte na magaan na nanalo. Hindi nangingimi na makialam ang China dahil para ito sa kanilang interes, aniya.

May paraan kahit hindi tuwiran upang makialam ang China sa halalan. Sapagkat nakapasok na ang Peking sa ating sistema at kilala nila ang maraming organisasyon at mga taong nagpapatkbo sa kanila, maaaring pondohan nila ang mga organisasyon at kandidato na kakampi sa kanila. Kasama na sa kanila ang mga lapiang pulitikal.

Maaari ibigay sa iba ang trabaho ng mga troll far, o gumawa sila ng “outsourcing.” Imbes na ang mga troll farm sa China na alam ng mga namamahala ng iba’t-ibang social media site at agarang tanggalin, maaaring gamitin ng China ang mga troll farm sa Bangladesh at ibang mahirap na bansa upang hindi mahalata ang suporta at pakikialam ng ng China, aniya.



Hindi tinalakay ni Sonny Trillanes kung ano ang gagawin ng Estados Unidos bagaman hindi naitanong sa forum ang papel ng Washington. Sapagkat muling aktibo ang Estados Unidos sa Silangang Asya, may mga sapantaha na nakikialam ang Estados Unidos sa halalan. Isang posibilidad ay kontrahin ng Estados Unidos ang galaw ng China lalo ng aspeto ng pakikialam sa resulta ng halalan.

Advertisers

Sinabi ni Trillanes sa forum na batid ng dalawang malaking bansa na ang South China Sea ang “flashpoint” kung saan pagtutunggali ang China at Estados Unidos sa susunod na dekada. Nasa isang estratehikong lugar ang Filipinas at pag-interesan ng dalawang malaking bansa ang ating bansa dahil sa kahalagahan sa pangkalahatang seguridad sa rehiyon, ani Trillanes. Hindi papayag ang Estados Unidos na basta tayo mapunta sa China, aniya.

***

SA online forum ng National Youth Movement for West Philippine Sea, nagpahiwatig si Sonny Trillanes na sinunog ng China si BBM nang ilabas ng Peking ang mga larawan sa media kung saan nakipagpulong siya sa sugo ng China sa Chinese Embassy sa Maynila. Mukhang hindi ito alam ni BBM dahil hindi nanggaling sa kanyang kampo ang mga larawan. Galing ito sa gobyerno ng China sa Peking, aniya.

Hindi maganda ang imahe publiko ni BBM ang mga larawan dahil naipahayag sa madla na siya ang pinapaborang kandidato ng China sa 2022. Hindi basta mabubura sa kolektibong memorya ng sambayanan na si BBM ang manok ng China. Malaki ang matatapyas sa kanyang boto dahil maraming Filipino ang walang sampalataya o bilib sa China.

Nagpahiwatig si Sonny Trillanes na dapat matyagan si Sara Duterte, alkalde ng Davao City. Kung sasabak siya sa 2022 at sakaling manalo, makakaasa ang sambayanan na itutuloy niya ang polisiya ng kanyang amang Rodrigo, aniya. Dalawa aniya ang kandidato ng makiling sa China – BBM at Sara. Tapos ang Filipinas.

Advertisers

***

MAY post kami noong Linggo tungkol sa mga motorcade. Pakibasa:

BAKIT USO ANG MOTORCADE?

Uso ang motorcade ngayon. Kanya-kanya pakulo at pautot ang mga kandidato. Bakit nga ba? Isa-isahin natin …

1. Una, hindi bawal sa ilalim ng election law ang motorcade. Basta may permit sa LGU, walang problema.

2. Pangalawa, hindi mahirap sa mga organizer ng mga hindi sikat o pinapaboran na kandidato ang mangalap at magbayad sa mga may-ari ng mga sasakyan na sasali sa bawat motorcade ng kung sino-sinong kandidato. “No show, no pay” – ito ang patakaran. Tanging ang dumating at sumali ang may bayad. Walang problema ang kandidato na may sariling hukbo ng tagasuporta. Kusa silang dumating at sasali . Hindi sila hihingi ng bayad.

3. Hindi mabigat sa kandidato ang motorcade sapagkat wala siyang gagawin kundi tumayo sa isang topdown na sasakyan at kumaway-kaway sa mga tao sa gilid ng kahabaan ng mga kalsada. Hindi niya kailangan tumayo sa entablado at magbigay ng anumang diskurso o talumpati. Hindi bago ang motorcade. Noong kumampanya sa senador ang matandang Ramon Revilla Sr., ang motorcade ang kanyang pangahas sapagkat hindi siya marunong magtalumpati. Epektib dahil dalawang beses siyang nahalal bilang senador. Gusto iyan ni Bong Go dahil hindi siya marunong at mas lalong hindi marunong magtalumpati.

4. Madaling mapansin ng mga mamamayan ang motorcade. Basta maingay, may nakitang lobo at tarp, at mga sasakyan, malalaman ng mga mamamayan na may motorcade. Kung epektib at mangangahulugan ng boto, ibang usapan iyan. Pabor ang motorcade sa mga kandidatong hindi marunong humarap sa publiko. Pabor din ito sa mga kandidato na walang salapi pero may suporta sa mga mamamayan. Motorcade ang paraan ng sambayanan na may kusang palo upang sumuporta sa kanilang kandidato.