Advertisers

Advertisers

PH REP. SA ICF CONGRESS SA ROMA, ITALIA

Coach Len Escollante ng PCKDF..

0 238

Advertisers

KINATAWAN ni national coach at NSA official Len Escollante ang Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation ( PCKDF) sa idinaos na International Canoe Federation (ICF) Congress sa Rome Olympic Stadium nitong nakaraang weekend.

Ang multi-awarded coach ng world caliber Philippine dragonboat team na si Escollante ay isa sa kinikilalang pigura sa naturang international federation kasama ang mga respektable ring representante ng member nations na powerhouse sa naturang larangan tulad ng Germany, Japan, Spain, Russia, Argentina, China, Portugal, Hungary, Italy, France, Netherland, Great Britain, New Zealand, Tahiti at iba pa ay tatlong araw na tinalakay ang mga pinakamahahalagang bagay magmula sa inobasyon at adjustment ng sports dahil sa pandemya tampok din ang halalan sa pinakamatataas na puwesto sa ICF na konsernado rin ang buong sambayanan.

Sa idinaos na federation electton, nahalal bilang bagong pangulo ng nabanggit na international federation si Mr. Thomas Konietzko ng Germany gayundin si Mr. Toshi Furuya bilang chairman sa canoe sprint ng Kayak sa ICF.



“ I’m very much honored na isa tayo sa kinikilalang federation (mula Pilipinas) sa buong mundo . Napaka- meaningful ng event lalo pa’t ang sport na ito (canoe) ay kabilang din sa Olimpiada, “ pahayag ni Ecollante kasabay ng kanyang pagbati sa mga bagong halal na ICF top honchos sa ngalan ng kanilang PCKDF president Tessie Uy at taos na pasasalamat sa liderato ng Philippine Sports Commission ni chairman William Ramirez at Philippine Olympic Committee ni pres. Rep.Abraham ‘ Bambol Tolentino.(Danny Simon)