Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MARAMI sa mga nakapanood ng first ever acting project na ginawa ng bagong Kapuso star na si Rabiya Mateo, sa Halloween episode ng “Wish Ko Lang” ang humanga sa pinakitang akting nito sa isang horror episode na ginampanan niya ang isang dalaga na ginagambala ng isang maligno.
Epektibo raw ang akting ni Rabiya sa kanyang role. Nagbigay naman ito ng inspirasyon kay Rabiya at nangakong gagalingan pa niya sa mga susunod niyang proyekto sa Kapuso Network.
Bilang patunay sa sinabi ay kumaha ng training sa boxing si Rabiya para higit na mapaganda ang kanyang action scenes. Pasok kasi ang byuti ni Rabiya sa Season 2 ng pagbabalik sa ere ng “Agimat ng Agila 2” na pagbibidahan muli ni Sen. Bong Revilla. Habang nagpapapayat pa si Sen. Bong ay panay naman ang training ni Rabiya.
“Nagpapasalamat talaga ako kasi malaki ’yung tiwala na binigay sa akin ng team ng GMA, para ibigay itong role sa akin.
Na-e-excite din po ako na makatrabaho ’yung mga beterano na sa field na ito kasi marami po talaga akong matututunan,” sabi ni Rabiya.
Hindi pa masabi kung ano ang magiging role ni Rabiya. May nag-suggest na sana ay tulad din ng role ni Michelle Dee na Serpentina ang ibigay kay Rabiya. At kahit pa bisi-bisihan na ngayon si Sanya Lopez sa lock-in taping ng “First Lady” nila ni Gabby Concepcion ay pasok pa rin ang kanyang byuti sa “Agimat ng Agila 2”.
***
HALOS 2 taon na ring walang ginawang show o project sa GMA7 si Marian Rivera-Dantes maliban sa hosting job niya sa “Tadhana” na sa mismong pamamahay pa niya kinukunan ang kanyang pagho-host.
Bukod sa pagiging ina at asawa ay naging abala rin si Marian sa pagtatayo ng negosyo kahit may pandemya. Una na nga rito ang kanyang flower shop na pinangalanan niyang Flora Vida. Nitong nakaraang linggo ay pinakita ni Marian ang 6 na designs sa clothing line na dinagdag niya sa kanyang negosyo, maliban sa flowers at pinangalanan niyang Flora Vida Lifestyle.
Ang clothing line ni Marian ay nagkakahalaga ng 10k. Mga damit na easy to wear pieces for lounging or day to day activities.
“After months of planning and preparations, I’m happy to announce that our latest @floravidabymarian collection will be up on our website! Thank you for all your continued support. Happy shopping!
“I hope you enjoy this collection as much as I enjoyed doing it and I look forward to seeing how you will style your Floravida clothing pieces. Happy shopping!” say ni Marian.
Ganun na lang ang saya ni Marian nang wala pang isang oras ay halos sold out na ang 6 na damit na binebenta ng Kapuso Primetime Queen, kahit tig-10k pa ang mga ito.