Advertisers
KAPUSO pa rin sina Rodjun Cruz at John Vic de Guzman sa muli nilang pagpirma ng kontrata sa GMA Artist Center.
Nagpasalamat si Rodjun sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa GMA Artist Center.
“Thankful ako sa GMA dahil lagi nila akong pinagkakatiwalaan and siyempre grateful talaga ako dahil lagi nila akong binibigyan ng opportunity para para i-showcase ang talent ko. So every project na binibigay nila sa akin madami akong natututunan,” sabi ni Rodjun na mapapanood soon sa Little Princess with Jo Berry.
Flattered naman ang Kapuso newbie na si John Vic sa pagbansag sa kanya na Kapuso hottie athlete.
Bukod sa pagiging team captain ng Men’s National Volleyball Team, naghahanda na rin si John Vic para sa Sea Games sa susunod na taon.
Naghahanda rin si John Vic sa upcoming roles at projects niya matapos i-renew ang kanyang kontrata.
“As a Kapuso, mafi-feel mo na hindi ka lang basta co-artist, naging family ka na rin sa kanila,” sabi ni John Vic.
“Kung magkakaroon ako ng chance na magkaroon ng leading lady, pipiliin ko si Sanya Lopez. Isa pa si Anna Vicente,” sabi ni John Vic.
***
SINABI ng bagong kasal na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez na handa na silang magkaroon ng baby.
Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News “24 Oras” kamakailan, sinabi ng mag-asawa na plano nilang bumiyahe sa ibang bansa sa susunod na taon pagkatapos ng kanilang mga proyektong “To Have and To Hold” at “The World Between Us.”
“We honestly don’t want to delay anymore,” ani Carla. “Isa rin ’yun of course sa reasons talaga kung bakit gusto na rin naming magpakasal.”
Sa kanilang kauna-unahang interview matapos ikasal, inihayag ng mag-asawa ang kanilang kasiyahan na naikasal na sila sa kabila ng nararanasang pandemic.
“We’re happy that we’re finally married, may blessing na kami formally,” anang aktres.
“Hindi wedding ’yung end goal, hindi ’yun ’yung finish line. It’s actually the start of another race. Sabi ko nga, I’ve been looking forward to the marriage, not the wedding,” ani Tom.
Naganap ang kasal nina Carla at Tom sa isang church ceremony sa Tagaytay noong Oct. 23.
***
KUNG siya ang papipiliin, inihayag ni Yasmien Kurdi na gusto niyang maging best friend ng anak niyang si Ayesha ang isang katulad ni Katrina Halili.
Sa programang “Mars Pa More,” pinapili si Yasmien kung sino ang gusto niyang maging best friend ng kanyang anak.
“Someone like Katrina Halili,” sagot ni Yasmien. “Si Katrina Halili kasi, bilang kaibigan, siya ‘yung magtatanggol sa ‘yo.
Nabanggit din ang pangalan ni Jennylyn Mercado na inilarawan ni Yasmien na masyadong mabait.
“So kung kunwari may mang-away sa kanya (Ayesha), may magtatanggol sa kanya, si Katrina,” paliwanag pa ni Yasmien.
Batchmates sina Yasmien, Jennylyn at Katrina sa Season 1 ng Kapuso reality talent competition na “StarStruck” noong 2003.
Si Jennylyn ang itinanghal na Ultimate Female Survivor samantalang si Yasmien naman ang First Princess.
Napapanood si Yasmien sa Las Hermanas ng GMA at si Katrina naman ay sa Prima Donnas 2 very soon.
Si Jennylyn dahil buntis ay on hold muna ang teleseryeng Love. Die. Repeat.