Advertisers

Advertisers

Babu na sa pabida… Dennis bet maging fulltime kontrabida sa proyekto

0 273

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

NGAYONG levelling up na sa personal niyang buhay si Dennis Trillo dahil sa pagiging ama ulit at sa nalalapit na pagpapakasal nila ng fiancee na si Jennylyn Mercado, malamang ay may changes na rin sa showbiz career ng aktor.

Nagawa na niya halos lahat ng role mapa-drama, action, sexy, comedy at iba pa. Ano pa kaya ang nais gawin ni Dennis to level up his career?



“Gusto kong maging full on villain. Yung talagang heartless na kontrabida na talagang kaiinisan. Gusto kong kainisan naman ng mga tao. Tingnan ko kung magiging effective ako roon,” say ni Dennis.

Bilang actor kasi para kay Dennis ay mainam na may maibigay siya sa kanyang mga supporters ng mga kakaibang putahe. Tulad na lang sa latest serye niya sa GMA7, ang super hit na ‘Legal Wives’ na  Muslim royalty ang kanyang role at may tatlong asawa.

“Nakakatuwa na minahal nila ‘yung show dahil nakita nila ‘yung mga sarili nila roon sa pinapanood nila. Nakakita sila ng mga ibang tao na kagaya rin nila. Gusto ko lang din na binabago palagi ‘yung mga ginagawa ko para hindi sila nagsasawa.

“Kailangan mag-effort talaga at magpakita ng panibago palagi or interesting na kakapitan ka pa rin nila,” say pa rin ni Dennis.

***



MUKHANG may gustong patunayan si Andi Eigenmann sa dating boypren na si Albie Casino. Matapos na manahimik sa patutsada ni Albie kay Andi ay dinaan naman ng aktres ang kanyang mga sagot sa mga patutsada sa kanya ng dating boypren nang makapanayam ito sa isang episode ng PBB o Bahay ni Kuya ng Kapamilya Network.

Una ay litrato ng isang masayang pamilya ang pinost ni Andi na tila nagpapahiwatig na nakapagmove-on na siya sa isyung pinagdaanan niya at ng dating boypren. At ngayon naman ay ginulat ulit ni Andi ang mga netizen nang mag-post siya ng larawan na seksi na muli ang kanyang katawan, na tila taliwas sa sinabi ni Albie na masaya siya at super fat na si Andi.

Sa naturanng larawan ay katabi pa nito ang photo na kapapanganak lang ni Andi sa bunso nila ni Philmark Alipayo.

“Posting it because I know that my postpartum body won’t stay,  just as all my previous bodies: my young athlete body, my junkfood-filled lazy student body, my artista body, my pre-pregnancy body an so on,” saad ni Andi.

Ayon pa rin kay Andi, simula nang manganak siya last January at nagsimula na siyang magpapayat ng buwan ng March pero nahinto dahil sa pag-aaral ng kanyang mga anak. At sa kasalukuyan ay may timbang na siya ngayon ng 59kg and waist line na 29 inches.

Halos 16 kg ang nawala sa kanyang timbang at 10 inches naman sa waist line.

“First progress report in agessssss! Been busy with homeschool but now that we’ve picked up a good pace, can’t wait to work out again,” sabi pa ni Andi.