Advertisers

Advertisers

Brooklyn, Grizzlies wagi sa magkahiwalay na laban sa NBA

0 261

Advertisers

NANGAILANGAN pa ng overtime game ang Memphis Grizzlies bago tuluyang maigupo ang bumisitang Minnesota Timberwolves, 125-118 kahapon sa FedEx Forum.

Hindi nagpaawat si Ja Morant na nagtala ng 33 points, 8 assists at 6 rebounds.

Sa ngayon hawak na ng Grizzlies ang 6-4 record habang minamalas pa rin ang Wolves na may 3-6 kartada.



Sa ibang game, na-upset ng Chicago Bulls ang Brooklyn Nets nang ilampaso sa score na 118-95.

Nanguna sa opensa ng Bulls (7-3) si Zach LaVine nang magpakawala ng 24 puntos at tig-limang assists at rebounds.

Nauwi naman sa kabiguan ang ginawa ni Kevin Durant para sa Nets (7-4) na may double double performance gamit ang 38 points at 10 rebounds.