Advertisers

Advertisers

DAR todo suporta sa ARB’s

0 4,581

Advertisers

SA bagong liderato ng DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM (DAR) ay higit pang paiigtingin ngayon ang pagbibigay katulungan ng ahensiya sa AGRARIAN REFORM.BENEFICIARIES (ARB) hindi lamang sa pangkabuhayan kundi ang mapayabong ang kontribisyon ng mga ito para sa pambansang ekonomiya.

Kamakalawa (November 8) ay isinagawa ang pagsasalin sa bagong pamumuno ng ahensiya mula kay dating DAR SECRETARY JOHN CASTRICIONES ay itinalaga ng MALACAÑANG si dating DAR UNDERSECRETARY BERNIE FERRER CRUZ bilang DAR Acting Secretary na ginanap sa DAR covered court, Diliman, Quezon City.

Nangako itong si ACTING SECRETARY CRUZ na pangungunahan niya ang ahensiya.., na dadalhin ang kaunlaran sa kanayunan at bigyang prayoridad ang pangangailangan ng mga magsasakang-benepisyaryo.



Nilalayon ni CRUZ na mapabilis ang pamamahagi ng mga CERTIFICATE OF LAND OWNERSHIP AWARDS (CLOAs) sa mga ARB’s, gayundin ang pagbibigay ng mga suportang serbisyo sa mga ARB organizations (ARBOs) at pabilisin ang pag resolba ng mga kaso sa ilalim ng pagpapatupad ng COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM (CARP).

Ipinunto ni CRUZ na dodoblehin ng ahensiya ang pagsisikap na maipamigay ang mga natitirang lupa sa mga magsasakang walang lupain, ang pagkakaloob ng suportang serbisyo sa mga ARBs at pagbibigay ng hustisyang panlipunan sa mga agrarian reform communities.

Aniya, ang pagsasama-sama ng mga lupain ang pinakamahusay tungo sa pagpapabuti ng agrikultura, kabuhayan at produksiyon. Isinusulong ng DAR ang dalawang inisyatiba, kasama na ang proyektong “MEGA FARM” at ang Inclusive Partnerships for Agricultural Competitiveness Project.

“Layunin ng nasabing inisyatiba na mapabuti ang ugnayan sa merkado at makapagkumpitensya ang mga magsasaka at matulungan ang DAR sa pakikipag-ugnayan sa mga katuwang na institusyon na maaaring tumulong sa pagbuo ng kapital, mga kasanayan sa pamamahala, at pananaliksik at pag-unlad,” pahayag ni CRUZ.

Ipinunto nito na ang pagpapabuti ng kita at produksyon ng mga magsasaka ay malaking tulong upang mahikayat ang pagpapalago ng agrikultura at inspirasyon sa mga susunod na henerasyon na ipagpatuloy ang pagsasaka, na parehong kritikal sa pagkamit ng seguridad sa pagkain ng bansa.



“Nakatuon tayo na dalhin ang industriyalisasyon sa sektor ng agrikultura at sa pamamagitan ng pagkakaloob ng suportang serbisyo gaya ng iba’t ibang livelihood opportunities, infrastructure projects, farm machineries at equipment, capability-building trainings, loan facilities, at iba pa, makakamit natin ang matatag na ekonomiya sa kanayunan,” dagdag pa niya.

Si Cruz ay dating undersecretary ng DAR para sa foreign assisted at special projects office. Naging instrumento ito sa pag-kakaapruba ng WORLD BANK (WB) ng DAR’s Support to Parcelization of Land to Individual Title (SPLIT).

Ang programa ng SPLIT ay naglalayong mabigyan ang kabuuang 1.1 milyong ARB’s, na sakop sa ilalim ng collective certificates of land ownership award (CCLOA), ng pagkakataong tukuyin at ariin ang kani-kanilang indibidwal na titulo ng lupa at mga lote ng sakahan.

Inaprubahan ng WB ang loan package na nagkakahalaga ng P24 bilyon para sa pagpapatupad ng SPLIT program, na binubuo ng 78% loan proceeds na nagkakahalaga ng PhP 19.240 bilyon at 22% GOP counterpart na nagkakahalaga ng PhP 5.385 bilyon.

Ang proyekto ay ipatutupad ng DAR sa 78 probinsya sa 15 rehiyonal na tanggapan.

Mula sa naging liderato ni CASTRICIONES ay marami ang nagawang pagtulong sa mga ARBs na hinde lamang sa pamahagi ng mga lupa kundi maging kagamitan at pagbibigay kaalaman sa modernong agraryo.., na kung tutuusin ay gampanin ito ng DEPARTMENT OF AGRICULTURE (DA), pero ginampanan na ng DAR para sa sinserong pagtulong sa kabuhayan ng.ARB’s sa ating bansa!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.