Advertisers

Advertisers

MOBILE INTERNET SPEED SA PINAS MAS BUMILIS PA NOONG OKTUBRE

0 194

Advertisers

NATUKLASAN na mas bumuti pa ang mobile internet speed sa Pilipinas noong Oktubre ngayong taon.

Ito’y batay sa pinakahuling Ookla Speedtest Global Index report kung saan nakapagtala ng average download speed na 38.12Mbps noong nakaraang buwan kumpara sa 35.03Mbps noong Setyembre.

Sinasabing ang download speed ay kumakatawan sa 8.82% month-to-month improvement para sa mobile internet.



Nabatid na katumbas ito ng improvement na 412.37% simula nang mag-umpisa ang administrasyong Duterte noong July 2016.

Kasabay nito, napag-alaman na bahagya namang bumaba ang fixed broadband speed sa bansa nang makapagtala ng 71.08Mbps noong isang buwan kumpara sa 71.85Mbps noong Setyembre.

Kumakatawan naman ang datos na ito sa speed improvement na 798.61% mula nang magsimulang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung maaalala, iniutos ng Pangulo na pabilisin ang proseso sa pag-iisyu ng mga lokal na pamahalaan ng permits sa mga telco.

Ayon sa Ookla, ang pagbuti ng internet speed ay dahil sa mas mabilis nang pagtatayo ng imprastraktura ng mga telco kabilang ang cellular towers at fiber optic network sa iba’t ibang panig ng bansa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">