Advertisers
MAGTATAPOS ang termino ng tila nababaliw na pangulo sa Hunyo 2022. Malaking bahagi ng anim na taong bangongot na naranasan ng bansa sa ilalim ni Rodrigo Duterte ang panggagantso ng Pharmally Parmaceutical Corporation, ang kompanya na itinayo sa puhunang barya ng sindikatong nag-uugnay sa pinakamataas na antas ng pamahalaang Duterte.
Mabagsik at halang ang bituka ng mga myiembro ng sindikato. Wala sila pinatawad basta pagkakaperahan. Bukod sa akusasyon na may kaugnayan sa iligal na droga ay tinarget din nila ang bilyong bilyon pera na nararapat sa mga tinamaan ng CoVid-19 “berus”.
Habang marami ang nangamatay ay patuloy ang garapalang pagpapasasa ng mga kahina-hinalang karakter sa pera na pinaniniwalaan nanggaling sa mga maanomalyang transaksyon kauganay sa CoVid -19 pandemic.
Isa si Rose Nono Lin, dating hotel receptionist sa mga mapalad na nabiyayaan ng magagarang sasakyan na nagkakahalaga ng milyon milyon piso nang bumagsak sa mula sa langit ang isang mamahaling sasakyan sa kaniyang garahe. Tatakbo siya bilang kinatawan ng 5th district ng Quezin City upang ‘magsilbi’.
Marami ang nangarap at nagdasal bago matulog na isang araw ay makita nila na mayroon Lexus sa kanilang garahe katulad ng naranasan ni Rose Nono Lin. Hindi na sila nagising.
Hindi namin alam kung may makakahon sa ginagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Commitee na pinamumunuan ni Richard Gordon. Mabigat ang hamon ni dating narcotics agent Eduardo Acierto kay Richard Gordon: ilabas ang intel report na nagsasangkot kay Mickael Yang at Allan Lim sa iligal na droga. Aniya, hindi na sana nangyari ang anomalya sa bilyon bilyong halaga ng CoVid 19 testing kits kung pinakinggan siya ni Gordon.
***
PARA bagang napakahalaga ng pagsuot ng face shield para ipapatigil ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) bilang bahagi ng pagluwag sa paggalaw ng mga tao sa buong bansa. Walang siyentipikong pag-aaral na nagpapatunay na pananggalang ang face shield sa Covid19 virus.
***
GINUGUNITA ngayon araw ang ika-8 taon ng pagahagupit ng bagyong Yolanda sa Tacloban na ikinasawi ng libo libong mamamayan at nawalan ng kabuhayan at tirahan. Harinawa ay tuluyan na silang nakabangon sa matinding sakuna na kanilang naranasan. Hindi nawawala sa aming alaala ang mga mamamayan na natulungan ng mga magigiting na myembro ng National Press Club of the Philippines sa pamumuno ni Benny Antiporda at Paul Gutierrez.
***
Email: bootsfra@yahoo.com