Advertisers
OO!!! May malaking magaganap sa linggong ito, bago ang November 15 deadline ng substitution process para sa mga kandidato sa 2022 local/national elections.
Nitong Martes ng umaga lang ay nagwidro ng kanyang kandidatura sa pagka-bise alkalde ng Davao City si Baste Duterte, nag-iwan ng posibilidad na palitan niya ang kanyang sister na si Mayor Sara na nagwidro rin, posible para sa pagtakbong bise presidente, running mate ni Bongbong Marcos (BBM).
Sina Sara at Marcos ay nagkita sa Cebu kamakailan. Kinatagpo nila si Governor Gwen Garcia, kungsaan sabay na itinaas ng gobernadora ang kanilang kamay, pruweba na iniendorso nito ang dalawa. Kaso nang dumating ang isa pang presidential aspirant na si Isko Moreno sa Cebu ay inendorso rin ito ni Garcia. Galawang trapo talaga. Hehehe…
Sa pagkita nila sa Cebu, inanunsyo ni Sara ang buong suporta ng kanyang regional political party na Hugpong ng Pagbabago kay Marcos.
Nitong Martes, isang kaibigan mula sa Bantayan Island, Cebu ang nag-chat sa akin. Darating daw ngayong Miyerkoles sina BBM at Sara kasama si Garcia sa kanilang lugar. Ang venue ng event ay doon daw mismo sa harap ng bahay nila. Let’s see!!!
***
Kung tatakbong Vice si Sara Duterte-Carpio ni Marcos, malamang mag-widro si Senador Bong Go as VP. Hindi naman kasi puwedeng maglaban sila ng anak ng kanyang boss Digong. But who knows…
Sayang naman kung aatras si Bong Go dahil mataas na ang kanyang rating sa mga survey. Nagna-number 1 na nga siya sa ibang rehiyon at halos naka-kalahati na sa pag-iikot sa bansa ang kanyang malaking caravan.
Pero kung hindi tutuloy si Sara na maging running mate ni Marcos, malamang na Bongbong-Bong ang tandem.
Well, let’s see… hanggang Lunes nalang at malalaman na natin ang final answer sa mga haka-hakang ito. Abangan!
***
Nagwawala ang mga direktor ng anim na district hospitals sa Maynila.
Pinapipirma raw kasi sila sa isang “endorsement letter” para ang mister ni Vice Mayor Honey Lacuna na si Doctor “Poks” ang papalit sa nabakanteng posisyon (Manila Health Department head) ni late Dr. Evangeline Rafanan na pumanaw last month dahil sa konsomisyon matapos gawing taga-bantay ng mga pasyente sa Covid-19 sa Luneta.
Aba’y isa kang duktor, propisyonal, bakit ka pipirma kung kontra sa iyong kalooban? Pag pinilit ka sa ayaw mo, magbitiw nalang. Oo! Napakaraming hospital ngayon ma-ging sa ibang bansa ang naghahanap ng duktor. Mismo!
***
Pinipilit ni Presidential aspirant Senador Ronald “Bato” Dela Rosa si Pangulong Rody Duterte na tumakbong Senador na kapag nanalo ay maging Senate President.
Kapag nakinig si Digong kay Bato, mananalo talaga siya. Pero kaya pa ba ng kalusugan niya? Eh kitang kita na sa mga galaw at pananalita niyang hindi na siya healthy. Hindi na nga siya makapaglakad nang walang alalay dahil para na siyang lasing na susuray-suray.
At bakit naman tatakbo ka pang senador eh Presidente na nga ang tawag sa’yo? Animal!
Kung ako kay Digong, mag-re-relax na ako pagkababa ng Malakanyang sa Hunyo 30. Mismo!