Advertisers

Advertisers

SI SPOX VIC RODRIGUEZ NI BBM

0 446

Advertisers

BENTAHE si presidentiable Bongbong Marcos sa pagkakaroon ng isang alter ego sa katauhan ni Atty. Vic Rodriguez.

Si Atty. Vic na kasangga na ng batang Marcos mula sa kanyang pagsabak sa national politics ay tunay na maaasahan sa papel nito tungkol sa pagtatag at paghubog ng magandang imahe ng anak ni ‘APO’ Marcos na walang bahid ng pagkukunwari o halong cosmetics lalo na sa mga legal na isyung laging bahagi ng karera-pulitikal ni BBM.

Through thick and thin ay naroon at his best si Spox Rodriguez partikular sa paglahad ng plataporma bilang susunod na pinuno ng bansa at ang mahusay nitong pagsalag sa mga legal issues na inuunday upang siraan, gibain at hadlangan ang iminenteng pagbabalik ng batang Marcos sa Malacañang.



Dahil sa patuloy na pamamayagpag ni BBM sa mga legit na surveys, ngayon pa lang ay desperado na ang mga oposisyon kung paano nila maibagsak ang nasa ituktok ng pamamayagpag at anumang balak na panlinlang sa usaping legal dahil dadaan muna sila sa talas ng utak ni Spox Atty. Vic Rodriguez sa kanyang arsenal kahit magsama-sama pa sila (oposisyon) bilang ISAMPAHAN dahil wala nang ginawa ang mga linsyak kundi sampahan ng kasong walang basehan upang i-bluff ang Palace-bound na si BBM.

Kayong ISAMPAHAN este WANSAMBAYAN, stop na kayo sa maruming laro, SPORT lang, walang gulangan ,patas na laban at tanggapin niyo na ngayon pa lang ay sa kangkungan ang inyong hantungan. Never again sa mga DILAWANG naging pink ang imahe ng kabalintunaan.. ABANGAN!! Para sa reaksiyon.. #09199845253.

KALUSIN ANG MGA ALARMISTANG HEALTH EXPERTS KUNO

Mukhang ayaw pa talagang matapos ang kalbaryo ng mamamayang Pilipino sa linsiyak na pandemya.

Pinagluluwag na nga ng gobyerno ang alert level sa bansa dahil sa pagbaba na ng bilang ng mga nagpopositibo kuno upang mabuksan na ang ekonomiya at makapaghanapbuhay na ang mamamayang tinengga ng ineksaheradong covid-19.



Heto na naman at nagbababala na naman ang mga pesteng alarmist na taga-DoH pa na sisirit daw muli ang datus sa Disyembre at baka bumalik na naman sa panibagong lockdown ayon sa mga demonyong nagpahirap sa napaniwalang bayan .Mayroon na naman silang inaabangang bagong variant daw na mamamerwisyo ng mas matindi daw kontra sa kalususugan.Pag kasi natapos ang covid, mawawala na sila sa limelight pati sa pakinabang pinansyal dulot ng pandemya.

KALUSIN na ang mga alarmista mula Kagawaran ng KALUSUGAN.

Silang makakapal ang face ang dapat ma-suffocate ng face mask at face shield..du -QUE horror!

Lowcut-Shoutout sa isa sa frontliner ng BBM maharlika movement na si Rafael Tolentino ng NCR.Ang kanilang pulutong ay patuloy na dumarami kaya milya na ang agwat ng anak ng Ilokos na si Bongbong Marcos na anila ay wala nang makapipigil pa sa pagiging pinuno nito ng sambayanang Pilipino.Sigaw nila..BI-BI-EM!