Advertisers

Advertisers

Kasambahay kinatay ng amo, 1 pa at itinapon sa pool

0 1,027

Advertisers

MATAPOS na pahirapan at bugbugin ng mga kasamahan, inihulog pa ang isang babaeng kasambahay sa swimming pool sa condominium sa Barangay Paligsahan, Quezon City, Linggo ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Joan Sotayco, nasa hustong gulang, stay-in housemaid sa Unit 17 CO1, 17th floor, Victoria Towers Condominium sa Panay Avenue corner Timog Avenue, Brgy. Paligsahan.

Agad namang inaresto ang employer ng biktima na si Totel Parungao Lozada, 30, account manager, maging ang 15-anyos na dalagitang helper nito na sinasabing kasabwat sa insidente sa condo.



Sa report ng CIDU-QCPD, 5:30 ng madaling-araw nang madiskubre ang nakalutang na bangkay ng kasambahay sa swimming pool sa 16th floor ng condominium.

Batay sa imbestigasyon ni Police Cpl. Nido Gevero Jr., nakarinig ng isang malakas na tunog na tila bumagsak sa swimming pool ang security guard ng condo na si Julius Balanquit.

Agad niyang inimpormahan ang building maintenance na si Arnel Penafrancia at nang tunguhin nila ang pool, nakita nila ang biktima na nakalutang at wala nang buhay kaya humingi sila ng saklolo sa OIC ng condo na si Francis Gargallo, at nag-report sa mga awtoridad.

Nang magsagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa Unit 17 CO1, 17th floor ng condo kungsaan naninilbihan ang biktima, tumangging makipag-kooperasyon ang amo niyang si Lozada.

Dahil dito, siniyasat ng mga awtoridad ang cellphone ng mga salarin at doon nakita sa video na binubugbog si Sotayco habang nakatali ng masking tape ang magkabilang kamay.



Sa isa pang video, nadiskubreng pinagtutulungang linisin ng mga salarin ang crime scene matapos na gupitin ang buhok ng biktima.

Nakapiit na ang mga salarin.