Advertisers
MAY maagang pamasko para sa kabataang Pilipino si taekwondo Olympian Monsour del Rosario.
Ang 8th time national lightweight champion, international taekwondo medalist at 1988 Olympics Filipino athlete na si Del Rosario ay magtuturo ng basic techniques sa larangan para sa mga kabataan sa kanyang Online Taekwondo Series na sisimulan na sa lalong madaling panahon.
Nakapaloob sa serye ang pagtuturo ng makabagong kaalaman sa naturang martial arts kung saan ay milyong kabataang Pilipino na ang mahilig maglaro ng combat sport na taekwondo na orihinal na sumipa sa bansang Korea at lumaganap na sa Pilipinas at buong mundo.
“This is my gift to all of you.Mayoryang kabataang Pilipino ang mabibiyayaan ng kaalaman sa larangang ito na magiging gabay nila sa personal at pangarap na marating sa buhay di lang ngayong season kundi isang pangmatagalang vision”, pahayag ng sportsman / public servant na si Monsour Del Rosario.
Ang mataas na opisyal ng Philippine taekwondo Association( PTA) at awardee bilang Taekwondo 2017 Man of the Year na prestihiyosong iginawad ng mga Koreano ay naging 2- termer concilor at one term Representante ng Makati 1st District at kasalukuyang aspirante para Senador ng bansa na si Monsour ay pangarap ding may Pilipino jin na makakasungkit ng Olympic gold para sa bansa sa hinaharap.
Para sa karagdagang detalye, search ‘monsourmartialarts.com’.(Danny Simon)