Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HOMEBODY muna ang peg ni Dennis Trillo na bantay sa kalagayan ng soon to be wife na si Jennylyn Mercado dahil sa kaselanan ng pagbubuntis.
Timing naman na may ilang project si Dennis na hindi naman siya regular kaya matututukan niya ang dyowaer.
Pag-amin ni Dennis na tutok ito sa pag-eedit ng videos sa kanilang YouTube Channel.
At kung magkaroon ng bagong project ayaw na nito ng iyakan, ang gusto naman daw niya ay romcom or puwede ring maging kontrabida ng bagong Kapuso na si John Lloyd Cruz.
May mga plano na magsasama sila sa Pasko ng pamilya kung saan nga raw ay ‘di na mahalaga, ang importante ay magkaka-bonding silang family.
Balak din ng Celebrity couple na bumalik at pumunta sa Amsterdam kapag okey na ang sitwasyon sa buong bansa.
Dagdag pa na maselan ang pagbubuntis sa unang anak nila ni Jennylyn kaya kahit maluwag na ay ‘di pa rin ubra na makabiyahe dahil sa kalagayan ng aktres.
***
BB tinawag na ‘Bobo, Demonyo at nagpapanggap na Matalino’ ang talent manager na si Ogie Diz
MULI ngang rumesbak si BB Gandanghari sa kanyang live sa IG para birahin ang manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz.
Nag-ugat ito ng i-tackle sa vlog channel nina Ogie at Mama Loi sa hiwalayan ng pamangkin ni BB na si Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa mga nakasubaybay sa vlog ni Ogie.
Pero sa muli, bumanat at bumira si BB at tinawag na ‘Bobo, Demonyo at nagpapanggap na Matalino si Ogie.’
Sa kabila ng banat ay open naman daw si Ogie sa pakikipag-ayos kay BB at kahit ang talent manager pa ang mag-reach out kay BB.
Pero kung ayaw nito ay choice na raw ‘yun ni BB.
Basta si Ogie ay open arms na makipagbati at makipag-ayos kay BB.
Well, well, well…’Yun na!