Advertisers

Advertisers

Andrew nagka-anxiety attack dahil sa Covid

0 283

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

HINDI makakalimutan ng male actor na si Andrew Gan ang COVID-19 scare na dinanas niya early last year.

“Akala ko magkakaroon ako. Kasikatan ng COVID nun, nilo-launch pa lang siya sa industriya,” pagbibirong umpisang kuwento ni Andrew tungkol sa masamang karanasan niya April of 2020.



“Sa family kasi… alam mo kung ilang days bago lumabas ang result? So ilang days akong naka-quarantine. Twenty-one days, twenty-one days na ang tagal lumabas ang result.

“Kasi may nakasalamuha ako na positive, e siyempre nung time na yun, pag nakasalamuha mo positive, akala mo meron ka na rin, nahawahan ka na rin.

“Kasi ganun tayo natakot noon, which is good din para kasi maging mas maingat so may advantage.”

Malaking pagsubok daw kay Andrew ang maraming araw na mag-isa lamang siya sa kuwarto niya at naka-quarantine.

“Sobrang anxiety, anxiety attack talaga. Yung tipong paggising mo umaga na naman, tapos pag gabi na, matutulog ka na naman, yung paulit-ulit ang ginagawa mo, iyong kuwarto mo lang ang nakikita mo. Sobrang anxiety talaga!



“Pero thankful din ako kasi dun mo mas nabuo at mas lumaki yung faith ko.”

Isang family member na positibo sa coronavirus ang nakasalamuha ni Andrew noon.

“Frontliner kasi. Ganito ang nangyari; twelve kami lahat, pang-thirteen siya, so yung twelve na yun, nagpa-swab, yung eleven, lumabas yung result, sa akin yung naiwan, for twenty-one days!”

Hindi na raw niya nalaman lung bakit natagalan ang resulta ng swab test niya.

At matapos ang twenty one days na halos mabaliw si Andrew sa paghihintay ay natanggap niya ang resulta ng kanyang swab test… negative!

“Negative kaming lahat! Wala namang nag-positive, sa awa ng Diyos!”

Napapanood si Andrew sa BL (Boy Love) story na Limited Edition tuwing weekend, 8pm sa Bragais TV sa Youtube.

Malapit na ring mapanood si Andrew sa isang upcoming soap opera ng GMA, ang End Of Us; kasalukuyan na silang naka-lock in taping.

Bukod sa pag-aartista ay nagmamay-ari rin ng wellness spa si Andrew, ang  Releaf Massage and Nail Spa sa  Karuhatan sa Valenzuela City.

***

PAANO kaya maililigtas ng isang ama ang kanyang kaisa-isang anak na menor de edad na babae na dinukot ng isang malaking sex and human trafficking syndicate?

Tunghayan sa Magpakailanman sa GMA ang isang naiibang action drama tungkol sa totoong kwento ni Raul, isang ama na susuungin ang kamatayan para iligtas ang kanyang teenager na anak na si Grace na walang awang dinukot at ibinenta ang puri ng isang malaking sindikato.

May pamagat na Ibalik Mo Sa Akin Ang Anak Ko, at sa direksyon ni LA Madridejos (written by  John Roque and researched by Stanley Pabilona), tampok dito sina Gabby Concepcion, Inah de Belen, Chinggay Riego, Tom Olivar, Analyn Barro, Raul Russo, Jon Anchaval, Kiko Matos at Valerie Concepcion.

***

NGAYONG Linggo sa ganap na 9:35 ng umaga, muling maaliw at matuto tungkol sa siyensiya o science sa isa na namang brand new episode ng I-BILIB!

Samahan ang award-winning host na si CHRIS TIU, ang Kapuso comedian na si ROADFILL MACASERO, at ang Kapuso sweetheart na si SHAIRA DIAZ sa kanilang masasayang eksperimento!

Ugaliing gawing exciting at makabuluhan ang inyong Sunday mornings with I-Bilib sa GMA!