Advertisers
HINDI ako doktor sa tao, kundi doktor sa edukasyon.
Kahit hindi ako naggagamot ng mga taong mayroong sakit, may nalalaman ako sa insulin, sapagkat diyabetiko ako.
Labing-anim na taon na akong mayroong diabetes.
Isa sa mga dahilan ay maaaring nasa lahi namin dahil parehong may diabestes ang mga magulang ko.
Maliban sa posibleng namana ko sa kanila ang sakit ko, abusado ako sa pagkain ng kanin, matatamis na mga pagkain at iba pang pinangmumulan upang maging diyabetiko ang tao.
Matagal na akong nagpapatungin sa doktor upang magamot ang sakit, ngunit ko sinusunod ang lahat ng binabanggit ng doktor dahil masyadong matigas ang ulo ko.
Kaya, sa kasalukuyan ay sumahol ang diabetes ko.
Masyadong mataas ang asukal sa katawan ko.
Tinamaan na rin ang kidney ko dahil natuklasan ng doktor na nababad na nang husto ang kidney ko sa asukal na nakatir a sa katawan ko.
Siyempre, mayroon akong mga gamot sa diabetes at tama sa kidney ko at ibang epekto sa ibang parte ng katawan ko.
Magastos ang pagpapagamot dahil malaki ang gastos ko sa mga gamot ko kada buwan.
Isa sa gamot ko ay insulin.
Layunin ng insulin na mapababa at makontrol ang antas ng asukal sa katawan ko.
Iba pa ang tabletang iniinom ko sa umaga.
Mayroon akong sinusunod na dossage ng insulin na ituturok sa tiyan ko tuwing umaga at gabi.
Iyan ay parehong bago mag-agahan at maghapunan ituturok.
Hindi puwedeng lumampas sa dossage ng insulin na binanggit ng aking doktor ang kinakailangang iturok sa tiyan ko upang hindi magkaroon ng negatibong epekto.
Batay sa doktor ko, may tamang sukat ang kinakailangan pumasok na insulin sa katawan ng tao.
Kaya, hindi wastong basta na lamang uminon ng insulin coffee, inaulin tea at insulin capsule nang walang konsultasyon sa doktor dahil ang dami ng insulin ng mga ito ay hindi tugma sa dossage ng insulin na kailangan ng katawan ng diyabetikong tao.
Mahirap pong isugal ang sarili o ang ating katawan sa mga kape, tiyaa at kapsula nang walang matinong paliwanag mula sa manggagamot.
Kaya, magpatingin muna sa doktor na dalubhasa sa diabetes.
Huwag na huwag po kayo basta-basta bibili ng kape at tiyaang insulin o insulin na nakalagay sa kapsula.
Tinalakay ko po ito rito sa BIGWAS! bilang pagmamalasakit ko sa mga kapwa kong mayroon ding diabetes tulad ko.