Advertisers

Advertisers

Caloocan ‘Dress Code’ pinababasura

0 459

Advertisers

KAYSA pagmulan pa ng kalituhan, abala at kahihiyan sa bahagi ng maniniket na pulis at titiketan, ilang residente sa Caloocan City ang humiling na ibasura na ang Caloocan City Dress Code in Public Places.

Ito ay kasunod ng kontrobersya sa pagtiket ng isang pulis sa isang bebot dahil sa pagsusuot nito ng maikling short.

Anang mga residente, “panggulo” lamang ang ordinansang ipinasa noong 2007.



“Wala naman pong winter sa Pilipinas, at kapag summer napakainit. Kaya po kami nagso-short at sando, e ýun po ang praktikal na gawin. Hindi naman po kami action star na naka-jacket kahit tag-init,” ani alyas Irene, residente ng lungsod.

Dagdag pa ng ilan, possible ring samantalahin ito ng mga tiwali para sa kanilang pansariling kapakanan.

Noon pang 2019 nilinaw ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan na layon ng ordinansa na obligahin ang mga residente na manamit ng disente, hindi ang bawalan silang magsuot ng short.

Samantala, mismong ang pamunuan ng Caloocan City Police ang nagsabing nagkaroon ng kalituhan ang kanilang pulis sa pag-unawa sa ordinansa na nauwi sa ginawa niyang paniniket.

Sinabi ni Col. Samuel Mina, hepe ng Caloocan City Police, na ang mismong police officer na naniket ang hindi nakaintindi sa city ordinance.



“Ang problema na dapat pokusan ng mga pulis natin ay yung mga nagte-take advantage sa mga ganitong fashion ng kababaihan yung mga bastos sa kalsada yung dapat nating pag-ukulan ng atensyon,” ani Mina.

Sabi ng opisyal, iniimbestigahan na nila ang nasangkot na pulis.