Advertisers

Advertisers

Diamond ng NBA!

0 533

Advertisers

Diamante na ang National Basketball Association, ang liga nina Michael Jordan at LeBron James.

Pormal na itinatag noong ika-6 ng Hunyo 1946 at ang unang game ay noong ika-1 ng Nobyembre 1946.

Produkto ito ng pagsasanib puwersa ng Basketball Association of America (BAA) at National Basketball League (NBL)



Katatapos lang ng Ikalawang Digmaan Pandaigdig niyan at unti-unting bumabangon ang mundo sa epekto ng giyera.

Kakapanalo lang ng Estados Unidos kontra sa mga kalabang bansa at panahon yan ng paglago ng ekonomiya at pagtatag ng kalinangan nila.

Sa tagal ng liga ay may dalawang prangkisa ang naghati ng 34 na mga titulo. Pantay ang magkaribal na Boston Celtics at Los Angeles Lakers ng tig-17 na korona.

Nagkaroon ng 5 na Commissioner. Sina Maurice Podoloff (1946-63), J. Walter Kennedy (1963-75), Larry O’Brien (1975 – 84), David Stern (1984 – 2014), and Adam Silver (2014 – Kasalukuyan).

Pinakamatagal na coach ng iisang team si Greg Popovich. Ika-26 na season na ni Popovich sa San Antonio Spurs.



11 na korona ang napagwagian ni Bill Russell bilang player. Parehong bilang ni Phil Jackson bilang head coach.

Si Pat Riley naman ay isa na sa pinakamatagal sa NBA. Nagsimula siya bilang cager ng San Diego Rockets noong 1967.

Nananatili siya sa liga bilang pangulo ng Miami Heat. May 10 siyang kampeonato bilang player, coach at team executive.

Unang NBA team na naglaro dito sa Pinas ng isang exhibition game ay ang Washington Bullets noong 1979. Tinalo nila ang PBA Selection. Pinangunahan nina Elvin Hayes at Wes Unseld ang mga Kano samantalang mga bituin ng ating All-Stars sina Robert Jaworski, Ramon Fernandez at mga import na sina Glenn McDonald at Cyrus Mann. 133-123 ang final score.

Bago diyan dinalaw tayo nina Kareem Abdul Jabbar at Bill Walton.

Ang mga may dugong Pinoy naman ay sina Raymond Townsend, Jordan Clarkson at Jalen Green.

Original na bola ng NBA ay Wilson. Matapos ang kontrata ng Spalding ay nagbabalik muli ito ngayon.

Yan at iba pang trivia ang paksa natin mamaya sa Boomer’s Banquet na masusubaybayan sa FB Live, YiuTube pati Spotify mula ika-10 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali. Co-host natin sina Bob Novales at George Boone. Mga espeyal na bisita sina Norman Black na nagdribol noon para sa Detroit Pistons, Lito Cinco, batikang sportswriter na may pitak sa Manila Standard at si Almond Cajefe ng Wilson Balls.

***

Unti-unti nakakabawi na ang mga paboritong Lakers at Bucks. Dalawang overtime W naitala nina Anthony Davis para makaakyat sa 7-5 na kartada na pampito sa Western Conference. Yan ay naganap ng wala si King James sa loob ng court Staples Center dahil sa abdominal strain.

Ang Milwaukee ay naka-6-6 na good para dumikit sa Top 8 sa East.